Martin

Speaker Romualdez: Kongreso  magsisimula nang magtrabaho ng puspusan

Mar Rodriguez Aug 7, 2022
306 Views

SISIMULAN na ngayon ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez ang kanilang mga trabaho matapos makumpleto at mabuo na ang halos lahatng komite sa Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Romualdez, kinatawan din ng 1st Dist. ng Leyte, na inaasahan niyang magiging abala at puspusan ang pagta-trabaho ng mga kongresista sa ilalim ng 19th Congress sapagkat lahat ng komite ay napunan ng mga miyembro at chairman.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang House Deputy Speaker at si House Majority Leader Mannix Dalipe at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos dahil tulong nila sa pamamagitan ng pagsasa-ayos sa daloy ng talakayan at procedures sa loob ng Plenaryo.

Kabilang din sa pinasalaatan ng mambabatas ay ang House Committee on Rules dahil sa iniambag naman nitong tulong para sa pagbabalangkas ng proseso para mabuo ang mga House panels.

“I thank the House Deputy Speaker for helping hold the fort at the Plenary as well as Majority Leader Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Marcos and the members of the Committee on Rules for assisting in the process of forming the House panels,” sabi ni Romualdez.

Ipinaliwanag ni Romualdez na ngayong natapos na ang pagbuo sa lahat ngkomite, maaari ng simulan aniya ang pagdinig n bawa’t komite batay sa lahat ng panukalang batas na inihain bilang pasimula ng tinatawag na“legislative process”.