Martin Si Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) President at Speaker Ferdinand Martin Romualdez at party Chairman at Senador Ramon “Bong” Revilla kasama ang mga Lakas stalwarts sa ginanap na powerhouse assembly ng mga gobernador, kongresista, mayor at local leaders mula sa Luzon, Visayas at Mindanao noong Martes sa Imelda Hall sa Aguado, Malacañang Compound, Manila. Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Lakas-CMD na suportahan ang 11 senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Lakas-CMD ikakasa, sisiguruhin Straight Alyansa

Mar Rodriguez Apr 22, 2025
25 Views
Martin1
LAKAS-CMD MEETING – Panawagan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pakilusin ang buong makinarya ng Lakas-CMD upang ipanalo ang 11 kandidato sa pagkasenador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa 2025 midterm elections.
Kuha ni VER NOVENO

PINAKILOS ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang makinarya ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) upang tiyakin ang panalo ng 11 kandidato sa pagkasenador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa paparating na halalan sa Mayo.

Sa pagtitipon ng mga gobernador, mambabatas, alkalde at iba pang lokal na lider mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, nanawagan si Speaker Romualdez na pakilusin ang lahat ng ground force, lokal na lider at network sa komunidad ng partido upang ipanalo ang mga kandidato sa pagkasenador na makakatuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa isinusulong nitong Bagong Pilipinas.

“Please lang, please. Straight Alyansa. Diinan natin lahat sila, walang iwanan dito. Ito ang gusto ng ating mahal na Pangulo. They are our true partners. Subok na subok sila. I know each and every one of them have proven themselves. Hindi tayo mapapahiya sa taong-bayan. These are the right candidates. This is the future of the Philippine Senate and the Republic of the Philippines,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, sa isang breakfast meeting sa Imelda Hall, Aguado Residence, Malacañang.

“These are the best candidates for the Philippine Senate, palakpakan po natin silang lahat. Pinili ito ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. They will be our partners in peace, progress, and prosperity para sa ating bayang Pilipinas. Dapat talaga diretso tayo dito sa Alyansa, no ifs and buts about it. Ito talaga ang hinihingi ko sa inyo,” dagdag pa ng House Speaker.

“The victory of the Alyansa is the victory of the people,” ani Speaker Romualdez. “Our citizens are tired of the noise, drama, and political grandstanding. What they demand is unity, delivery, and continuity—and that’s exactly what this slate offers.”

Bago ang pagtitipon, nag-alay ng isang minutong katahimikan ang mga pinuno ng Lakas-CMD bilang paggalang sa yumaong Pope Francis.

Buong suporta rin ang ibinigay ng mga pinuno ng Lakas-CMD na sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (Executive Vice President), Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II (Secretary General), Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez sa panawagan ni Speaker Romualdez na suportahan ang mga senatorial candidate ng Pangulo.

Kabilang sa mga dumalong gobernador sina Fred Castro (Aklan), Datu Pax Ali Mangudadatu (Sultan Kudarat), Alonto Mamintal Adiong (Lanao del Sur), Abdusakur Tan (Sulu), Peter Unabia (Misamis Oriental), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin), Melchor Diclas (Benguet), James Edduba (Kalinga), Jose Miraflores (Aklan) at iba pa.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang lineup na ito ay sumasalamin sa lawak ng karanasan at enerhiya ng reporma ng partido.

“We are choosing leaders who build, not break. Leaders who legislate, not obstruct. Leaders who offer solutions, not slogans,” ani Romualdez.

“This is not just a Senate campaign—it is a grassroots movement for good governance. The engine of national progress is local governance. Kaya ang laban ng Alyansa ay laban ng bawat lalawigan, bayan, at barangay,” dagdag pa niya.

Iginiit niya na bilang dominanteng political party na kinikilala ng Commission on Elections (Comelec), may historikong responsibilidad ang Lakas-CMD hindi lang para manalo, kundi para mamuno.

“This is not business as usual. This is a mission. We are not simply endorsing candidates—we are rallying behind a shared vision aligned with the values and direction of President Marcos,” dagdag ni Romualdez.

Binanatan din niya ang mga kalaban sa pulitika na ang layunin ay maghasik ng pagkakawatak-watak.

“Let them throw mud—we will build roads, schools, hospitals, and jobs. Let them play politics—we will serve. The people will see through the noise and choose results,” ani Speaker Romualdez.

Ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay binubuo ng limang pangunahing partido: Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP) at Nationalist People’s Coalition (NPC)—na pawang nagkakaisa sa layunin na palakasin ang administrasyon ni Marcos at isakatuparan ang pangarap ng Bagong Pilipinas.

Ang opisyal na senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay binubuo nina:

– Benhur Abalos – dating DILG Secretary (PFP)

– Abby Binay – Alkalde ng Lungsod ng Makati (NPC)

– Pia Cayetano – kasalukuyang Senadora (NP)

– Lito Lapid – kasalukuyang Senador (NPC)

– Ping Lacson – dating Senador at PNP Chief (Independent)

– Manny Pacquiao – dating Senador at boxing icon (Independent)

– Bong Revilla – kasalukuyang Senador (Lakas-CMD)

– Tito Sotto – dating Senate President (NPC)

– Francis Tolentino – kasalukuyang Senador (PFP)

– Erwin Tulfo – House Deputy Majority Leader (Lakas-CMD), at

– Camille Villar – Kinatawan ng Las Piñas at Deputy Speaker (Nacionalista)

Dumalo sa pagtitipon ang lahat ng senatorial candidates ng Alyansa maliban kay Villar.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang magkakaibang karanasan ng mga kandidato ay nagpapakita ng bisyon ng Alyansa para sa isang Senado na katuwang ng administrasyon sa halip na hadlang.

“When Lakas moves, the nation follows. And today (Tuesday), we are moving with purpose,” pagtatapos ni Romualdez. “Sama-sama tayong babangon at susulong. This is our time to build a nation that works for all.”

Ayon naman kay Lakas-CMD Executive Director Anna Capella Velasco, kabuuang 6,114 na kandidato ang tumatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD sa 2025 elections—isang di matatawarang pwersa sa national at local races. Kabilang dito ang:

– dalawang kandidatong senador: Revilla at Tulfo

– 21 kandidato para gobernador

– 29 kandidato para bise-gobernador

– 125 kandidatong kongresista

– 38 city mayors

– 39 city vice mayors

– 431 city councilors

– 572 municipal mayors

– 518 municipal vice mayors

– 4,089 municipal councilors

– 250 provincial board members