Martin1

Speaker Romualdez: Magpahinga at magnilay

159 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa lahat na magpahinga at magnilay sa panahon ng paggunita ng mga Kristiyano sa muling pagkabuhay ni Hesu Kristo.

“It is a time of great joy and jubilation, for our Lord Jesus rose from the dead after dying to redeem us from our sins. It is also a time of hope, for in our Lord’s resurrection we find that the promise of eternal life holds true for all of Christianity,” ani Speaker Romualdez.

“I hope and pray that the Holy Week has given all of us ample time to rest and spend quality time with our family and loved ones. I also hope that all of us had the opportunity to reflect on our past actions and contemplate finding the right path forward,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na dapat ipagpasalamat ng publiko ang kalusugan, kaligtasan, at natatanggap na pagpapala gayundin ang oportunidad na pisikal na maipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesus kasama ang pamilya, kaibigan, at mga kasama hindi gaya ng nakalipas na mga taon.

Ang Kamara de Representantes ay kasalukuyang naka-recess pero pinayagan ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig para mapaaga ang pag-apruba ng mga panukala na pakikinabangan ng publiko.