Martin

Speaker Romualdez nakalikom ng P25M para sa 1K pamilyang nasunugan sa Cavite

84 Views

NAKALIKOM si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P25 milyong pondo para sa mahigit 1,000 pamilya na nasunugan sa Bacoor, Cavite kamakailan.

Ang pondo ay mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pondo ay gagamitin para makapagtayo ng pansamantalang matitirahan at medikal na tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

“This devastating fire has caused significant damage to many communities in Cavite. In partnership with the DSWD’s AKAP program, we are mobilizing a P25-million fund to provide urgent relief and help families get back on their feet,” ani Speaker Romualdez.

Ang AKAP program ay naglalayon na magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, medikal na tulong, at pansamantalang tirahan, partikular sa mga biktima ng sunog.

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang pambansang ahensya, tulad ng National Housing Authority (NHA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak na maayos na maiparating sa mga biktima ang tulong.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang DSWD sa mabilis na aksyon sa pagpapalabas ng pondo at hinikayat ang pribadong sektor na makikilahok sa pagbibigay ng tulong para sa muling pagbangon ng naapektuhang komunidad.

“This is a collective effort. While the government is taking urgent steps to provide immediate assistance, we also call on private organizations and concerned individuals to join in helping the people of Cavite recover from this tragedy,” saad pa nito.

“Ensuring the well-being of our fellow Filipinos is our utmost priority. This incident is a reminder that we need to strengthen our disaster management systems and promote preventive measures to protect communities from future calamities,” ayon kay Speaker Romualdez.

Ang P25-milyong pondo ay kasalukuyang ipinamamahagi sa pamamagitan ng AKAP program ng DSWD, habang ang mga lokal na opisyal ay tumutulong sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.

Kasabay nito, nagsasagawa ng pagsusuri sa lugar, upang magbigay ng agarang tulong at pangmatagalang suporta sa mga biktima ng sunog.

———–

Martin3MENSAHE NG INSPIRASYON MULA KAY SPEAKER ROMUALDEZ — Nagbigay ng inspirasyon si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang mensahe sa ‘best students’ ng Marikina City sa 2024 Marikina Youth Leadership Awards (MYLA) na inorganisa nina Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo at kanyang asawa na si dating Representative Miro Quimbo na ginanap sa South Wing Annex ng Kamara de Representantes Miyerkules ng hapon. Kuha ni VER NOVENO