Martin2

Speaker Romualdez nakikipag-ugnayan sa Senado, Palasyo, zero veto target ng Kamara

Mar Rodriguez Aug 18, 2022
162 Views

MAHIGPIT na nakikipag-ugnayan ang liderato ng Mababang Kapulungan sa Malakanyang at sa liderato ng Senado upang maiwasan na magkaroon ng “Presidential veto” sa mga panukalang batas na nakasalang at aaprubahan ng Kamara sa ilalim ng 19th Congress.

Ito ang sinabi ng mga kongresista na kasalukuyang nakikipag-ugnayan na si House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez sa Malakanyang at Senado para hindi magkaroon ng “Presidential veto” sa mga panukalangbatas na maipapasa ng Kongreso.

Ayon kina House Majority Leader at Zamboanga City Cong. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Reps. Stella Luz Quimbo ng Marikina at House Assistant Majority Leader Margarita Ignacia “Migs” Nograles ng PBA Party List na titiyakin ng Kamara na magkaroon ng mabilis subalit maingat na pagpasa ng mga “legislative agenda” na inilatag ni President Ferdinand Bongbong” Marcos, Jr.

Ipinaliwanag ni Dalipe na isang malaking aberya para sa Mababang Kapulungan ang pag-veto sa isang panukalang batas. Kaya mahalaga na maging pulido at sigurado ang pagpasa nila sa mga panukalang nakasalukuyang nakasalang sa Kamara.

“We are closely coordinating with Malacanang and the Senate so that we can avoid vetoing of a measure which is a waste of time and resources. Under the leadership of Speaker Martin Romualdez. We are working with our counterparts to ensure the smooth passage of important bill,” ayon pa kay Dalipe.

Naniniwala si Dalipe na sa ilalim ng pamamahala nina Pangulong Marcos, Speaker Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ay madaling maipapasa ang mga legislative agenda na inilatag ni Marcos sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA).