Martin3

Speaker Romualdez pinangasiwaan pamimigay ng ayuda sa  libu-libong pamilyang biktima ng lindol sa Davao de Oro

135 Views

NAGSAMA sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ni Sec. Rex Gatchalian sa pamimigay ng cash assistance sa may 1,653 pamilya na naging biktima ng lindol sa Davao de Oro sa mga nagdaang linggo.

Isang magnitude 6.0 na lindol ang yumanig sa mga probinsya sa Mindanao noong Marso 22 na sinundan ng malalakas na aftershocks, at nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Nagtulong sina Speaker Romualdez at Rep. Romualdez upang mapabilis ang pagpapalabas ng cash aid para sa mga biktima sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD.

“Natural calamities such as earthquakes are unforeseen, and the injuries and damage it causes are of no fault of the victims. So it is only just to allocate and direct the government’s ayuda program to victims of the Davao de Oro earthquakes,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We know that the amount of assistance does not really cover the damage done by the recent calamity. But we hope it alleviates a little our citizens’ plight in this time of need. The government is doing everything in its power to restore normalcy to Davao de Oro,” ayon naman kay Rep. Romualdez.

Ang DSWD, kasama ang mga kinatawan mula sa tanggapan ni Speaker Romualdez at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ay nagsagawa ng AICS payouts sa mga sumusunod na munisipalidad sa Compostela, New Bataan, at Maragusan.

Sa Compostela, may kabuuang 319 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-P3,000 cash aid.

Si House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada ang kumatawan sa mag-asawang Romualdez sa pamamahagi ng tulong pinansyal. Siya ay sinamahan ni Davao de Oro (1st District) Rep. Maricar Zamora.

Sa mensahe ng mga Romualdez na ipinarating ni Gabonada sinabi nito na ng manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013 sa Leyte, na siyang lalawigan ni Speaker, ang Davao de Oro ay isa sa mga lalawigan na tumulong upang muli itong makabangon.

Nararapat lamang umano na sumaklolo ang Leyte ngayong sila naman ang nangangailangan ng tulong.

Sa New Bataan, binigyan ng tig-P5,000 cash assistance ang bawat isa sa 503 benepisyaryo na pawang mula sa Brgy. Andap na lubhang naapektuhan ng lindol.

Dumalo rin sa payout sina Mayor Gerald Balbin, Vice Mayor Larry Pagalan at ang mga City Councilor ng bayan.

Ipinaabot naman ni Pagalan ang kanyang pasasalamat kina Speaker Romualdez, Tingog party-list, at DSWD sa tulong na natanggap ng kanyang mga kababayan.

Nagbigay naman ang mga pinuno ng tribo ng Mandaya at Mansaka sa mag-asawang Romualdez bilang pagkilala sa tulong na ibinigay ng mga ito sa kanilang komunidad.

Pinangasiwaan din ng grupo nina Speaker Romualdez at Tingog ang mabilis na pamamahagi ng AICS na nagkakahalaga ng tig-P3,000 sa 285 na benepisyaryo mula sa Brgy. Tandik ng Maragusan, Davao de Oro.

Sa Brgy. Paloc, Maragusan, Davao de Oro, karagdagang 465 pamilya na ang mga bahay ay bahagyang nasira ang nakatanggap ng tig-P3,000 at ang 81 pamilya na tuluyang nasira ang mga bahay ay binigyan ng tig-P5,000.

Dumalo sa pamimigay sina Vice Mayor Cesar Colina Sr., ang Brgy. kapitan ng Brgy. Tandig at Paloc, SB Member Osbert Yanog, at SB Member Joner Gran.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Vice Mayor Colina sina Speaker Romualdez, Cong. Yedda Romualdez, at ang DSWD sa kanilang ipinaabot na tulong.