Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez pinasalamatan mga babaeng mambabatas

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
107 Views

PINANGUNAHAN ng mga babaeng kongresista ang sesyon ng plenaryo ng Kamara de Representantes noong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.Alinsunod sa Section 15 (h), Rule IV ng House Rules, itinalaga ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga sumusunod upang pangunahan ang sesyon:

Linabelle Ruth Villarica (4th District, Bulacan), Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City), Maria Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan), Anna Marie Villaraza-Suarez (ALONA Partylist), Laarni Lavin Roque (4th District, Bukidnon);

Josephine Veronique Lacson-Noel (Malabon City), Mary Mitzi Cajayon-Uy (2nd District, Caloocan City), Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), at Geraldine Roman (1st District, Bataan).

Si Bataan 3rd District Rep. Maria Angela S. Garcia ang nagsilbing House Majority Leader at si Bagong Henerasyon (BH) Partylist Rep. Bernadette Herrera naman ang tumayong House Minority Leader.

Ayon kay Speaker Romualdez pinahahalagahan ng Kamara ang papel ng mga kababaihan sa pagpasa ng mga mahahalagang batas at sa pagtataguyod ng kapakanan ng bansa at ng lipunan.

“The House leadership champions women empowerment, gender equality, and gender balance. Women have constantly become our guidepost in making critical decisions affecting our families, our communities, and our nation. They are our strong moral pillars,” sabi ni Speaker Romualdez.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang mga babaeng mambabatas gayundin ang kanyang kabiyak na si Rep. Yedda Marie Romualdez, Chairperson ng House Committee on Accounts at kinatawan ng Tingog Partylist.

“We thank them not only for their participation in nation building but particularly in tending to our households and caring or helping care for our families and guiding them to the path of righteousness,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Inaasahan na ipapasa ng mga babaeng kongresista ang mga panukala at resolusyon para sa kapakanan ng mga babae at bata.

Ang Kamara ay magsasagawa ng sesyon matapos ang pagdinig ng House Committee of the Whole na tumatalakay sa resolusyon kaugnay ng pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.

Puspusan ang ginagawang pagtalakay ng Committee of the Whole sa Resolution of Both Houses No. 7 at inaasahan na matatapos ito bago ang Holy Week break.