Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez pinuri ang bagong batas kontra financial fraud

Mar Rodriguez Jul 20, 2024
86 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa makasaysayang batas para masawata ang economic fraud at maprotektahan ang taumbayan mula sa financial scam.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA), o Republic Act No. 12010, sa isang seremonya sa Malacañang Palace Sabado ng umaga.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez ang halaga ng bagong batas na titiyak sa integridad ng financial system ng bansa at upang mailayo ang publiko sa panloloko

“The signing of AFASA marks a significant milestone in our fight against financial fraud and cybercrime,” deklara ng lider ng Kamara. “This law provides stringent measures to regulate financial accounts and prevent their misuse, ensuring that our financial systems remain secure and trustworthy.”

Pinapurihan ng lider ng Kamara de Representantes na may 300 kinatawan si Pangulong Marcos sa kaniyang pamumuno at pagnanais na protektahan ang mga Pilipino.

“We commend President Marcos for signing this vital legislation into law. His dedication to combating financial crimes and ensuring the safety of our financial systems is evident in the enactment of AFASA,” saad niya.

Pipigilan ng AFASA ang mga financial scam gaya ng money muling, social engineering schemes, at economic sabotage.

Nakasaad sa batas ang komprehensibong panuntunan kung paano maprotektahan ang mga may-ari ng financial accounts, at pag atas sa mga financial institution na magpatupad ng secure access systems gayundin ang pagbabayad danyos kung mabigongng protektahan ang naturang mga account.

“The AFASA introduces essential protections for financial account owners and holds financial institutions accountable for any lapses in security,” sabi ni Speaker Romualdez

“Mandating robust risk management systems and controls fosters a safer environment for all financial transactions,” dagdag niya.

Binibigyang kapangyarihan din nito ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na imbestigahan ang mga financial account na sangkot sa maanomalyang aktibidad at mag-apply ng cybercrime warrants.

Ang BSP rin ang naatasan na bumuo ng implementing rules and regulations sa loob ng isang taon mula sa pagiging epektibo ng batas.

Tinukoy ni Speaker Romualdez ang mabigat na parusang ipapatas sa ilalim ng AFASA laban sa mga financial crimes na patotoo sa hangarin ng pamahalaan na labanan ang naturang mga krimen.

“The penalties under this law are designed to serve as a strong deterrent against financial fraud and cybercrime, reflecting our commitment to upholding justice and protecting our citizens,” aniya.

Anim hanggang walong taong pagkakakulong at multang P100,000 hanggang P500,000 ang ipapataw sa mga sangkot sa money muling.

Mahaharap naman sa 10 hanggang 12 taong pagkakakulong at multa na P500,000 hanggang P1 million ang sangkot sa social engineering.

Magiging 12 hanggang 14 taong kulong naman at P1 million hanggang P2 million na multa kung senior citizen ang niloko.

Magreresulta naman sa habambuhay na pagkakakulong at multa na P1 million hanggang P5 million ang masasankot sa economic sabotage.

Ang iba pang paglabag ay mauuwi rin sa kulong at multa pati ang diskwalipikasyon sa paghawak sa posisyon sa gobyerno kung ang sangkot ay opisyal ng pamahalaan.

Ang Regional Trial Court ang hahawak sa mga paglabag sa AFASA kung ang krimen ay ginawa sa Pilipinas o kung ang biktimang indibidwal o account ay nasa bansa.

Magreresult naman aniya ang AFASA sa matatag at maunlad na ekonomiya.

“A secure financial system is crucial for sustaining economic development and attracting investment. With AFASA in place, we are sending a strong message that the Philippines is committed to maintaining a safe and transparent financial landscape,” punto ng House Speaker

“This will not only deter criminal activities but also promote a culture of integrity and accountability across all levels of our financial system,” sabi pa niya.

Nanawgan naman ang lider ng Kamara para sa patuloy na pagbabantay at kooperasyon ng lahat ng sektor para sa matagumpay na pagpapatupad ng AFASA.

“Our work does not end with the signing of this law. It requires ongoing vigilance, cooperation, and commitment from everyone—government agencies, financial institutions, and the public,” saad niya “Together, we can create a financial system that is not only secure but also fosters trust and confidence among all Filipinos.”