Acidre Binibigay ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre and pinansyal na ayuda na mula kina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa 21 manlalayag na nasagip mula sa MV Tutor na inatake ng mga Houthi na rebelde. Ang simpleng turnover ay ginanap sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 Lunes ng umaga. Nasa naturang event din sina Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Department of Health Secretary Teodoro Herbosa, at Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Mary Melanie Quiño. Kuha ni ROY PELOVELLO

Speaker Romualdez, Rep. Yedda Marie Romualdez nagbigay ng tig-P150K cash assistance sa 21 Pinoy seafarer

Mar Rodriguez Jun 17, 2024
76 Views

Na nailigtas barkong inatake ng rebeldeng Houthi

NAGBIGAY ng tig-P150,000 financial assistance sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at kabiyak nitong si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa 21 manlalayag na Pilipino na nailigtas mula sa MV Tutor na inatake ng missile ng rebeldeng Houthi sa Red Sea.

Ang cash assistance na may kabuuang halaga na P3.15 milyon ay mula sa personal calamity fund ng mag-asawang Romualdez, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Speaker Romualdez and his wife, Rep. Yedda Romualdez is working hard to provide relief and support to our seafarers,” ani Acidre, na sumalubong sa mga tripulante sa kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III upang personal na iabot ang tulong.

Ipinahayag naman ni Speaker Romualdez ang pasasalamat nito sa ligtas na pag-uwi sa bansa ng mga tripulanteng Pinoy, kasabay ng pagkilala sa mabilis na pag-aksyon ng pamahalaan sa naganap na pag-atake.

“We are deeply relieved that our brave seafarers are coming home safe. This assistance is a token of our gratitude for their courage and resilience during this harrowing ordeal,” ayon sa pinuno ng Kamara na may higit sa 300-kinatawan.

Binigyan-diin naman ni Rep. Yedda Romualdez ang pangangailangan na mabigyan ng suporta at proteksyon sa mga manggagawang Filipino na siyang pundasyon ng bansa sa pandaigdigang lakas paggawa.

“Our seafarers are our modern-day heroes, and it is our duty to ensure their welfare. This cash assistance from our personal funds aims to help them and their families as they transition back home. We stand by them and are committed to providing the necessary support,” ayon kay Rep. Yedda Romualdez.

Tiniyak din ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada, Jr., na pinagsisikapan din ng Office of the Speaker na magbigay ng karagdagang tulong mula sa gobyerno para sa mga pamilya ng mga nailigtas na marino.

Kabilang dito, ayon kay Gabonada ang Livelihood Assistance sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).

Gayundin ang pagbibigay ng P10,000 cash aid para sa mga kwalipikadong pamilya ng mga nailigtas na seafarers sa ilalim ng AKAP program ng DSWD, at 20-araw na emergency employment sa ilalim naman ng TUPAD program ng DOLE.

Dagdag pa ni Gabonada, tatanggap din ang mga kuwalipikadong miyembro ng pamilya ng mga manlalayag ng educational assistance sa ilalim ng Tulong Dunong Scholarship program ng Commission on Higher Education.

Ang mga karagdagang tulong ay irerekomenda sa mga kaukulang tanggapan ng pamahalaan para sa agarang aksyon, makaraan ang proseso ng pagsusuri at pagpapatunay.

Biyernes ng gabi nang mailigtas ang 21-tripulanteng Pinoy alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matapos ang pag-atake ng Houti rebel group sa barko habang naglalayag ito sa Red Sea noong Miyerkules.

Ang mga Pinoy seafarer ay sinalubong nina Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis noong Sabado. Sila ay nakabalik sa bansa Lunes ng umaga kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Hector Cruz.

Kinumpirma naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas na dumating ang 21 seafarers sa Port of Manama, Bahrain, ganap na 5:30 ng hapon ng Sabado.

Patuloy naman ang isinasagawang search operation sa isang Pilipinong tripulante na nawawala. Tatanggap din ito ng parehong benepisyo.

Bukod sa mga nabanggit, tatanggap din ng hiwalay na assistance packages ang mga tripulante mula sa DMW, OWWA at DSWD.