Martin Source: FB post

Speaker Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, Rep. Zaldy Co nagbigay ng TV sets sa PCMC

21 Views

NAGBIGAY ng mga television set sina Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-List Rep. Yedda Romualdez, at Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co sa mga ward room ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Ang pagbibigay ng 30 TV sets na may digital box ay isang pagtupad sa pangako ng mag-asawang Romualdez at Co sa mga batang pasyente ng PCMC sa isang Christmas party.

Layunin ng donasyon na bigyan ng libangan ang mga bata at kanilang mga magulang at bantay mula sa kanilang hirap na dinaraanan.

Nagpasalamat ang mga pasyente at mga magulang sa donasyong natanggap ng ospital.

“Napakalaking tulong po nito. Salamat dahil sa wakas may mapapanooran kami kapag nababagot habang inaalagaan ang anak namin dito sa ospital,” ani Lea Baretto Violanda.

Sabi naman ni Annalyn Dela Cruz, na ang anak ay dalawang buwan ng naka-confine sa PCMC, “Simula nang ma-confine kami, wala talaga kaming libangan dito. Malaking bagay itong TV para sa amin.”

Ayon pa sa isang magulang, noong wala pa ang mga TV ay kailangan nilang mag-load para makapanood sa cellphone ang kanilang mga anak.

“Napakalaking tulong po talaga,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Co ang kahalagahan na matulungan ang mga pamilyang humaharap sa hamon

Ang layunin ng donasyon na ito ay magbigay ng konting aliw at ginhawa sa mga pamilya habang hinaharap nila ang mga hamon sa kalusugan ng kanilang mga anak. Kaisa po kami nina Speaker Martin at Cong. Yedda sa pag-asang mapagaan ang kanilang pinagdadaanan,” sabi ni Co, chairman ng House Committee on Appropriations.