Eskwela

Speaker Romualdez: Tulong Eskwela Program paghimok na mamumuhan sa estudyanteng Pinoy

145 Views

INILUNGSAD ang isang bagong social amelioration program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes at namahagi ng P5.28 bilyong halaga ng financial assistance sa may 1.32 milyong senior high school student at kanilang magulang para mabawasan ang bigat ng gastos sa pag-aaral.

Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez, ang Tulong Eskwela Program ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na gumawa ng pagbabago sa sektor ng edukasyon gamit ang teknolohiya at modernisasyon.

“Ang Tulong Eskwela ay ang ating tugon sa hamon ng ating mahal na Pangulo sa kanyang huling SONA. At ang ating senior high education system ay malaking bahagi ng repormang ating ipinapatupad sa sektor ng edukasyon,” ani Speaker Romualdez.

“Kadalasan ay kinakapos ang mga magulang sa pagtustos sa pagtatapos ng kanilang mga anak sa senior high school. At kapag hindi nagtapos, mahirap makakuha ng trabaho at mahirap magkaroon ng kontribusyon sa ating mga komunidad,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“This initiative is designed to alleviate the financial burdens that often hinder our senior high school students from realizing their full potential. By providing critical financial assistance to families across the nation, we are ensuring that education remains a reachable goal for every Filipino child, regardless of their economic background,” saad pa nito.

Ang programa ay sabay-sabay na inilungsad sa 220 lugar sa lahat ng probinsya ng bansa nitong Biyernes. Ang bawat lugar ay mayroong 3,000 magulang ng senior high school student na pinili bilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng DSWD, at dagdag na 3,000 benepisyaryo na tutulungan naman sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.

“The integration of AKAP and TUPAD within the Tulong Eskwela Program not only provides immediate relief but also employment opportunities for the families of our students. This dual approach ensures that we are addressing both the short-term and long-term needs of our communities,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang 660,000 magulang ay bibigyan ng tig-P3,000 mula sa AKAP at tig-P5,000 naman ang 660,000 benepisyaryo ng TUPAD o kabuuang P5.28 bilyong halaga ng financial assistance. Ang pamamahagi ng tulong ay isasagawa mula Agosto 30 hanggang 31.

Ayon kay Speaker Romualdez ang Tulong Eskwela Program ay nagsisilbi rin umanong paghimok at suporta na mamuhunan sa mga estudyanteng Pilipino upang maabot ng mga ito ang kanilang pangarap.

“Education is the cornerstone of progress, and it is through education that we can empower the next generation to lead our nation to greater heights. By enabling the youth to continue their education, we are investing in the development of a skilled, knowledgeable and potent workforce,” deklara ni Speaker Romualdez.

“Simula pa lamang ito ng isang programang balak nating gawing pangmatagalan. Sa mga magulang ng ating mga senior high students, nawa’y maitawid natin sa tagumpay ang ating mga minamahal na anak. Kasama nyo ang pamahalaan sa pag-abot ng tagumpay,” dagdag pa nito.