Martin SESSION RESUMES – Nagbigay ng mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress noong Lunes, matapos ang Christmas recess, kung saan inihayag niya na itutuloy ang mga imbestigasyon na layuning pababain ang presyo ng bigas, pagkain at kuryente. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: ‘Tuloy ang imbestigasyon sa presyo ng bigas at kuryente, di tayo aatras sa laban para sa bayan.’

13 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ipagpapatuloy ng Kamara de Representantes ang mga imbestigasyon na naglalayong pababain ang presyo ng bigas at iba pang pagkain, pati ang kuryente.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pangako sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress noong Lunes, matapos ang Christmas recess.

“Good governance demands transparency and accountability. This chamber is the vanguard of that principle. In the coming weeks, we will hold oversight hearings to ensure that the people’s money serves the people’s needs,” ani Speaker Romualdez.

“We will investigate the smuggling and hoarding that undermine our farmers and inflate food prices. We will probe P206 billion in disallowed expenditures by the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ensuring energy reforms that lower electricity costs,” sabi pa nito.

Sinabi ng lider ng 307 kinatawan ng Kamara na hihingi ang Kapulungan ng sagot kung bakit nag-expire ang P11.18 bilyong halaga ng gamot at hindi nagagamit ng mahusay ang pondo ng PhilHealth, na hindi umano katanggap-tanggap dahil maraming Pilipino ang walang access sa healthcare.

“And we will scrutinize the alleged misuse of confidential funds, for no peso must go unaccounted for,” wika pa ng lider ng Kamara.

Sisilipin naman ng quinta committee at House committee on ways and means ang mataas na presyo ng bigas at iba pang agricultural products, pati na ang kuryente at umano’y paglabag ng NGCP sa probisyon ng prangkisang ibinigay dito.

Ang NGCP ang nag-iisang transmission company sa bansa na ang 60 porsiyento ay pagmamay-ari ng mga Filipino-Chinese at 40 porsiyento ay pagmamay-ari ng China.

“Let this be our promise: public trust is sacred, and this House will never betray it,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Sa mga umaatake sa atin para tumigil tayo sa mga imbestigasyon, may mensahe tayo sa kanila. Itutuloy natin ang trabahong ini-atang sa atin ng mamamayan. Hindi tayo aatras sa anumang laban para sa bayan,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Speaker Romualdez ang mga nagawa ng Kamara noong nakaraang taon.

“Last year, our nation weathered storms yet remained resilient,” sabi nito.

Sa kabila ng mga pagsubok gaya ng sunod-sunod na bagyo at global economic uncertainties, sinabi ni Speaker Romualdez na inaasahan na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9 porsiyento hanggang 6.5 porsiyento.

“This performance is a testament to the industriousness of every Filipino farmer, worker and entrepreneur who continue to drive our economy forward,” sabi nito.

“This growth is the fruit of visionary leadership under President Ferdinand R. Marcos Jr. and his transformative Build, Better, More infrastructure program, which injected over P1.2 trillion into projects that now connect dreams to opportunities across the archipelago,” giit pa nito.

Iginiit din ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na maramdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang paglago ng ekonomiya.

“Yet, let us be clear: numbers alone cannot define progress. Progress is meaningful only if it uplifts the lives of our people. Para saan ang pag-unlad kung hindi makikinabang ang ordinaryong Pilipino?” tanong ng lider ng Kamara.

Bagamat umuunlad umano ang bansa, nananatiling hamon ang malaking pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Thanks to decisive action, inflation eased to 4.9%, but the burden remains heavy for many families. Programs like Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) and Kadiwa ng Pangulo were launched not just as economic interventions but as expressions of our empathy. Governance, after all, must be both strategic and compassionate,” wika pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na naipasa ng Kamara ang mga mahahalagang panukala noong nakaraang taon at 183 sa mga ito ang naging batas.

“But true success lies not in the quantity of laws passed but, in their quality — how they change lives,” saad pa nito.

Kasama sa mga ito ang mga sumusunod:

• Corporate Recovery and Tax incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE), na naglalayong paramihin ang dayuhang namumuhunan sa bansa.

• Self-reliant Defense Posture Act, na magpapalakas sa kakayanan ng bansa na lumikha ng mga armas at makalikha ng mapapasukang trabaho.

• Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na target ang mga smuggler at mapagsamantalang negosyante kaya tumataas ang presyo ng bilihin.

• Philippine Archipelagic Sealanes Act at Philippine Maritime Zones Act, upang igiit ang soberanya ng bansa partikular sa West Philippine Sea.

• Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act, upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

“These are not just policies — they are commitments to a better, fairer, and stronger nation,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“Within these walls, we do not simply draft laws; we give life to the aspirations of a nation, and we shape the destiny of generations yet unborn,” dagdag pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay isang pagkakataon upang tingnan ang sama-samang layunin, mapangalagaan ang kapakanan ng bansa, paghandaan ang hinaharap at bantayan ang dignidad nito.

“It is a reminder that leadership is not a privilege but a responsibility — a sacred duty to act, to uplift, and to inspire. Leadership, as I see it, is not defined by the power we wield but by the lives we change…In this chamber, our leadership must always be guided by a singular question: ‘how does this serve the Filipino?’” tanong pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang Pilipinas ay nagiging isa ng lider sa mundo.

“Our nation is no longer a quiet observer in the global arena. It is a leader,” sabi nito.

Inanunsyo ni Speaker Romualdez na sa susunod na buwan, ang Pilipinas ay magho-host ng Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF), kung saan 96 bansa ang magsasama-sama upang talakayin ang mga mahahalagang isyu, gaya ng mga hamon sa global security kasama na ang counter-terrorism financing, cybersecurity at mga umuusbong na teknolohiya gaya ng AI at 5G.

Sa 2026, ang bansa ang magiging chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at host ng 47th AIPA General Assembly kung saan pag-uuspaan ang pagpapalakas at kooperasyon sa rehiyon.

“The $100 billion in investments secured through state visits reflects international confidence in our nation’s future. These investments will transform industries, generate employment, and push the Philippines toward a new era of prosperity,” wika pa ng lider ng Kamara.

Hinamon din ni Speaker Romualdez ang kanyang mga kasamahan na magpatuloy sa pagtatrabhao upang mapaganda ang kalagayan ng kanilang mga constituent.

“Let us legislate with empathy, govern with integrity, and lead with vision. Let us build a nation where every Filipino, no matter their station, feels the hand of government working for their benefit…Together, we will ensure that no Filipino is left behind. Walang maiiwan. Sama-sama nating itutulak ang batas na mag-aangat sa buhay ng bawat Pilipino,” sabi pa ni Speaker Romualdez.