Martin2

Speaker, Tingog sanib-puwersa sa pagtulong sa mga kabataan

144 Views

NAGSANIB-PUWERSA ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga estudyante sa Leyte.

Nakatanggap ng tig-P5,000 ang may 1,000 benepisyaryo mula sa

Sta. Fe, Alangalang, at San Miguel, Leyte, ngayong Huwebes, Hulyo 6.

Umaasa ang tanggapan nina Speaker Romualdez at Tingog Rep. Yedda Romualdez na makatutulong ang ayudang naibigay upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap.

Sa kanyang mensahe, binigyan-diin ni Rep. Yedda Romualdez ang kahalagahan ng pag-aaral upang mapabuti ang buhay ng mga mahihirap na pamilya.

Tiniyak din ni Rep. Yedda Romualdez na isusulong nito at ni Speaker Romualdez na maibigay ng gobyerno nasyunal ang mga pangangailangan ng mga taga-Eastern Visayas.