Ayuda Ang relief operation ng Speaker’s Office at Tingog Party-list sa Putatan, Muntinlupa.

Speaker’s Office, Tingog sanib-puwersa sa pagtulong sa mga residente ng Putatan, Muntinlupa

117 Views

Ayuda1

Ayuda2
SAN JUAN AYUDA – Namahagi ang Tingog Party-list, sa pangunguna nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre, katuwang si Speaker Martin Romualdez, ng tulong sa 2,761 katao na apektado ng bagyong Carina, sa relief payout sa San Juan Gymnasium noong Lunes.
Ayuda3
AKAP SA ZAMBO – May 3,300 benepisyaryo ang natulungan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa distribusyon ng Tingog Party-list, na pinangungunahan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre, katuwang ang opisina ni Speaker Martin Romualdez, noong Lunes sa KCC Mall.

KATUWANG ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, inilungsad ng Tingog Party-list, sa pangunguna nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre, ang relief operation sa Brgy. Putatan, Muntinlupa.

Umabot sa 859 pamilya o 2,875 indibidwal, na naapektuhan ng bagyong Kristine, ang naabutan ng tulong sa isinagawang relief operation para agad na makabangon ang mga ito.

Tiniyak ng Tingog na patuloy itong magbibigay ng tulong sa mga nangangailangan upang mapabuti ang kalagayan ng mga ito.

Relief payout sa San Juan

Samantala, ang Tingog, katuwang si Speaker Romualdez, ay may distribusyon rin ng relief payout sa may 2,761 benepisyaryo sa San Juan City na biktima naman ng bagyong Carina.

Nagkakahalaga ng P3,000 ang ibinigay sa bawat benepisyaryo sa payout event na ginanap sa San Juan Gymnasium, na dinaluhan nina

San Juan Rep. Bel Zamora at Mayor Francis Zamora.

Iginiit ni Rep. Yedda ang kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan upang mabigyang pag-asa ang mga ito at mapabilis ang kanilang pagbangon.

“The AKAP program is more than just financial support; it represents our collective strength in the face of adversity. As we assist those affected by Typhoon Carina, we are not only providing immediate relief but also fostering hope and solidarity among our citizens. It is essential that we work together to rebuild lives and restore the spirit of our community. Let us move forward with determination, ensuring that every individual has the opportunity to rise again, stronger than before,” ani Rep. Yedda.

Tiniyak naman ni Rep. Acidre na magpapatuloy ang Tingog sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

“The relief payout reflects our dedication to the people of San Juan City. We remain steadfast in our efforts to provide the necessary resources and assistance to empower our communities as they navigate the aftermath of this disaster,” wika nito.

Cash aid sa Zambo

Sa ibang panig ng bansa, namigay ng cash assistance ang Tingog at opisina ni Speaker Romualdez noong Lunes sa 3,300 benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Nagkakahalaga ng P3,000 ang ibinigay na tulong sa bawat benepisyaryo.

Iginiit ni Rep. Yedda ang kahalagahan ng AKAP upang matulungan ang mga nangangailangan.

“Today’s distribution of financial assistance is a vital step in addressing the immediate needs of our community. Each P3,000 provided is aimed at easing the challenges that families face, ensuring they have the support necessary to navigate these difficult times. Our commitment to serving the Filipino people remains strong, and we will continue to work tirelessly to create opportunities for every individual to thrive,” ani Rep. Yedda.

Ganito rin ang naging tono ng pahayag ni Rep. Acidre. “This initiative is a testament to our dedication to uplifting the lives of our people. Tingog Partylist will continue to advocate for the needs of every Filipino, ensuring that support is always within reach,” aniya.

Dumating din sa payout event ang mga lokal na opisyal, gaya nina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at Zamboanga City Mayor John Dalipe.

Ayon sa Tingog, magpapatuloy ang paghahatid nito ng tulong: “Dahil ang Tingog Partylist ay palaging nakikinig at nagsisilbi.”