NCRAA Kasama ni NCRAA general manager Buddy Encarnado ang mga team captains ng mgs kalahok na koponan. Photo courtesy of Henry Vargas

St. Dominic, La Salle-Dasma namayani

Robert Andaya Mar 6, 2024
144 Views

SUMANDAL ang St. Dominic College of Asia sa tambalan nina Edward Daquioag at Didoy Proel upang payukuin ang Philippine Merchant Marine School , 61-44, sa pagpapatuloy ng 30th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) basketball tournament sa Bestlink Gymnasium.saQuezon City.

Si Daquioag, na nakababatang kapatid ni dating PBA player Ed Daquioag, ay umiskor ng 15 points mula 6-of-13 shooting at nag-ambag ng five rebounds habang si Proel ay nagtala ng 15 points, four rebounds, four assists at three steals para sa SDCA ni coach Bong Dela Cruz.

Sa tulong nina Daquioag at Proel, giniba ng St. Dominic ang PMMS sa iskor na 18-4 sa fourth quarter.

Bumira si Daquioag ng walong dikit na puntos, kabilang ang back-to-back three-pointers para sa 53-40 klamangan sa St. Dominic na may 5:20 ang natitira sa laro.

Si Amante ay nagdagdag ng nine points at five rebounds, habang sina Ivan Ares at Cyd Capulong ay may seven at five points.

Walang player naman mula sa PMMS ni coach Aldrin Morante ang nagtala ng double-digit scores.

Nanguna si Vince Salonga sa kanyang eight points, kasunod sina Dan Sildo, Joaquin Octavo at Kane Montecalvo na may tig seven points bawat isa.

Sa unang laro, nagsanib pwersa sina Ronroy Bunda at Rogelio Calagos para igita ang De La Salle University- Dasmariñas sa 84-80 panalo laban sa defending champion Immaculada Concepcion College.

Sa iba pang aksyon, itinumba ng Asian Institute of Maritime Studies University of Luzon, 101-78, at dinurog ng PATTS College of Aeronautics ang Bestlink College of the Philippines, 85-67.

Magpapatuloy ang mga laro sa Biyernes.

Mga scores:

First game

DLSU – D (84) – Bunda 25, Calagos 22, Santiago 12, Rasonable 9, Roxas 8, Delos Santos 6, Puda 2, Jacob 0
ICC (80) – Flores 25, Gadin 12, Famaranco 11, Vento 9, Pacarrangan 6, Seniedo 5, Lopez 4, Ramirez 2, Joaquin 2, Ibarra 2, Monares 0, Dela Cruz 0
Quarterscores: 14-24, 38-46, 63-61, 84-80

Second game

SDCA (61) – Daquioag, 15, Proel 15, Amante 9, Ares 7, Capulong 6, Clarete 5, Vallena 3, German 1, Espellogo 0, Bunagan 0.
PMMS (44) – Salonga 8, Sildo 7, Octavo 7, Montecalvo 7, Estinopo 6, Velasco 5, Reyes 2, Bolima 1, Novencido 1, Jaucian 0, Veyra 0
Quarterscores: 15-12, 23-29, 43-40, 61-40

Third game

AIMS (101) – Durante 21, Gurrea 13, Bautista 10, Montilla 9, Peralta 8, Lapira 8, Reynaldo 8, Geronimo 6, Datwin 6, Ramterre 5, Odvina 4, Munsayac 2, Waminal 1, Reyes 0
Univ. of Luzon (78) – Borja 17, Lambino 17, Begenio 14, Esberto 14, Camba 8, Seco 4, Gallardo 0, Diego 0
Quarterscores: 35-19, 53-38, 80-59, 101-78.

Fourth game

PATTS (85) – Benitez 25, Bongon 17, Wahing 14, Gio Elazezui 6, Aldrich Lopez 6, Acupiado 5, Butao 4, Abina 2, Caraballos 2, Bularin 2, Macalalad 2, Jamon 0, Belgado 0, Alvarez 0
Bestlink (67) – Cu 16, H. Pitas 13, Cabagte 9, Reyna 8, Maravilla 6, Aguilar 5, Z. Pitas 5, Ambrocio 3, Ilagan 2, Sanchez 0, Estoya 0.
Quarterscores: 19-15, 39-28, 67-47, 85-67.