Calendar

Nation
State funeral para kay FVR
Peoples Taliba Editor
Aug 4, 2022
363
Views
ISANG state funeral ang isasagawa para kay dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Agitos 9.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagsasagawa ng state funeral ay karapatan ng isang dating Pangulo ng bansa.
“The state funeral is a right of the family of a deceased president so yes, he will be accorded a state funeral with full military honors,” sabi ni Cruz-Angeles.
Hindi naman matiyak ni Cruz-Angeles kung dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inamin naman ni Cruz-Angeles na hindi isinasapubliko ang mga ganitong impormasyon para sa seguridad ng Pangulo.
Nauna ng idineklara ni Marcos ang period of national mourning mula Hulyo 31 hanggang Agosto 9.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025