Calendar
Ang sasakyan na nasunog habang inaapula ng mga pamatay sunog sa isang compound sa Sta. Mesa, Manila. JONJON C. REYES
Sumabog na kotse ginulantang mga taga Sta Mesa
NABULABOG at nataranta ang ilang mga residente matapos makarinig ng pagsabog kasunod ng pagsabog ng isang sasakyan sa V.Mapa Extension sakop ng Brgy 602, Sta Mesa Manila, Miyerkukes ng hapon.
Nagsimula ang sunog bandang 2:17 ng hapon at dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay sunog at sa tulong ng mga residente sa lugar, agad naapula ang sunog. Pasado 2:27 ay idineklarang fire out ni FInsp. Bernardo Chua,ground commander, ang sunog.
Nakita ng mga bystander na nagsimula ang apoy sa loob sa bahay sa 3522 V. Mapa Ext., Brgy. 602.
Pagkaraan ay agad binuksan ng ibang tao ang gate mula nang magsimula ang apoy sa loob ng compound.
Kasunod nito, nakita nilang nasusunog ang isang asul na Honda Civic model 2017 na nagkakahalaga ng Php 260,000.
Agad silang gumamit ng fire extinguisher para apulahin ang apoy hanggang sa dumating ang fire truck ng BFP.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng V. Mapa PCP ng PS-8 sa pangunguna ni PCAPT. Marcos DC Cuyme, kasama si PSSg Wally S Bautista, investigator, upang ikordon ang lugar at mag sagawa ng karagdagan pagsisisyasat.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pinagmulan ng sunog at kung magkano ang napinsala. Wala namang naiulat na nasawi.

