Martin2

Suporta ng Kamara sa mga magsasaka para maging masagana kanilang ani tiniyak ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Jul 23, 2024
100 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara de Representantes sa mga magsasaka upang maparami ang kanilang ani at mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.

Ito ang sinabi ni Speaker Romualdez sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular na session ng 19th Congress.

Ayon kay Speaker Romualdez malugod na tinatanggap at lubos na sumusuporta ang Kamara sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 62 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kung saan ibaba ang taripa sa imported na bigas mula 35 porsiyento ay gagawin itong 15 porsiyento.

“May I just add that in conjunction with the lowering of rice tariffs for the benefit of Filipino consumers, we will strive to provide all the necessary infrastructure, technological, and financial support to increase the productivity and income of our farmers,” ayon sa mambabatas.

“By augmenting the rice supply and managing prices, rice becomes more affordable and thus, accessible to all Filipinos,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na hangarin din ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pangalagaan ang purchasing power ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapababa sa presyo ng bilihin at kuryente.

Ipinunto pa ng pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan ng Mababang Kapulungan ang ulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal ang inflation noong Hunyo sa 3.7 porsiyento mula 3.9 porsiyento noong Mayo dahil sa mas mababang gastos sa enerhiya at transportasyon.

“The amendment to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), which we must finish in December, is expected to further ease inflation,” ayon pa sa mambabatas.

Binanggit din ni Speaker Romualdez ang kaniyang naging pagbisita sa Japan, kung saan nakipagpulong siya kay Speaker Fukushima Nukaga at ilan pang mambabatas ng Japan upang palakasin ang kooperasyon sa depensa at seguridad ng dalawang bansa.

“During the meeting, we made a firm commitment to expand the trilateral cooperation among the Philippines, Japan, and the United States,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Tinatalakay din nila ang mga usaping may kinalaman sa pagkakaroon ng pantay na access ng mga produktong pang-agrikultura ng Pilipinas sa merkado ng Japan, ang Philippine-Japan Economic Partnership Agreement, tulong para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA), proteksyon ng mga karapatan ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga pamumuhunan mula sa Japan.

“This collaboration serves to fortify our bilateral relations and strategic partnership,” ayon kay Speaker Romualdez.

Bukod dito, tiniyak din ni Speaker Romualdez ang pagtugon sa mga kasalukuyang at kinakailangang usapin kabilang na ang krimen dulot ng Philippine offshore gambling operations at ang paglaganap ng iligal na droga.

Muli namang binigyan diin ni Speaker Romualdez ang kanyang paninindigan sa pag-apruba ng lahat ng prayoridad na panukala na hiniling ni Pangulong Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“We, at the House of Representatives, stand united with the President in his desire to advance these legislative initiatives that will shape the nation’s path forward. This is a time for unity, and we fully support the President,” ayon sa mambabatas.

Kabilang aniya sa mga pangunahing panukalang ito ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Philippine Self-reliant Defense Posture Program Act, Philippine Maritime Zones Act, pag-amyenda sa Right-of-way Act, amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Create More Act, VAT on Digital Transactions, at capital market reforms.

Ayon pa kay Speaker Romualdez, sumang-ayon ang LEDAC na isama ang Archipelagic Sea Lanes Act at lima pang mahahalagang hakbang sa pangunahing prayoridad na listahan.

“Today, I emphasize our commitment to pass the remaining priority bills before the end of the Third Regular Session. We are ready and equally determined to ensure that these critical measures are enacted to support our nation’s progress and development,” ayon sa mambabatas.

“For this purpose, I expect no less than your usual cooperation and swift action. Tulad ng ginawa natin noong First at Second Regular Session, ibubuhos natin ang lahat ng lakas at panahon para maipasa ang mga batas na kailangan ng bansa,” ayon pa sa pahayag ng pinuno ng Kamara.