Phivolcs

Surigao niyanig ng magnitude 5.0 lindol

157 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang yumanig sa Surigao del Norte noong Miyerkoles, Agosto 17.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-5:35 ng gabi.

Ang epicenter ng lindol ay limang kilometro sa kanluran ng Socorro at may lalim na 132 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity II sa Carrascal, at Tandag City, Surigao Del Sur.

Nakapagtala naman ng Intensity I sa Cabadbaran City, Agusan del Norte; at Surigao City, Surigao Del Norte.