Kulong

Suspek sa 5 bilang ng rape arestado sa Angeles

Bernard Galang May 20, 2025
14 Views

ANGELES CITY — Naaresto ng mga pulis ang suspek sa limang counts ng statutory rape, qualified sexual assault, rape at paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Brgy. Cuayan, Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng Angeles City police ang suspek na si alyas Mel na nasakote ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Angeles City Field Unit (CFU).

Ayon sa report, dinakip base sa mga warrant na inilabas ang suspek at dinala sa CIDG-Angeles City.