Knife File photo ni JONJON C. REYES

Suspek sa pag-gripo ng 10X sa rider, pagnakaw ng motor kalaboso

20 Views

NAHULI na ng mga pulis noong Martes ang suspek sa pananaksak ng 10 beses sa isang Move It rider at inagaw ang motor ng biktima na himalang nabuhay.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng Quezon City Police District (QCPD) naaresto sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon ang suspek.

Nakatanggap ng impormasyon ang Laloma Police Station 1 na naglalakad sa lugar ang suspek kaya nagpadala ng mga pulis doon at nahuli ang suspek.

Nang makumpirma, dinampot ng mga pulis ng suspek at nahulihan ito ng 9mm pistol na kargado ng magazine.

Hindi bababa sa 10 saksak ang tinamo ng rider bago tinangay ang kanyang motorsiklo.

Inihahanda ang kasong frustrated murder laban sa suspek.