BBM

Swabeng daloy ng suplay ng pagkain itinulak ni PBBM

215 Views

ITINULAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaroon ng mabilis na daloy ng suplay ng pagkain, isang hakbang na magpapababa sa presyo nito.

Sa isinagawang Cabinet meeting, sinabi ni Marcos na dapat matugunan ang logistical problem upang mabilis na makarating sa iba’t ibang lugar ang suplay ng pagkain.

“The logistical challenge is clear, and we are not handling it,” sabi Marcos sa pagpupulong kung saan napag-usapan ang mga reklamo ng mga cargo handlers at forwarders kaugnay ng iba’t ibang polisiya na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na kakausapin nito ang Philippine National Police (PNP) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbuhay ng mga express lane para sa mga trak na may dalang pagkain.

“Actually sir, kung tutuusin hindi talaga dapat eh. Dapat free-flowing eh. Pero sometimes they use – possibly because of avian flu et cetera ‘yung mga ganun. Baka ginagawan ng excuse eh,” tugon ni Abalos sa Pangulo.

Pinag-aaralan din ang paggamit ng teknolohiya upang masundan ang daloy ng pagkain at matukoy kung saan nagkakaroon ng mga bottleneck at makagawa ng angkop na solusyon.