SWS

SWS: Walang makain nadagdagan bago natapos 2021

207 Views

NADAGDAGAN ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom dahil walang makain sa huling bahagi ng 2021.

Ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa noong Disyembre 12-16 at isinapubliko noong Marso 25, 11.8 porsyento o tinatayang 3 milyong Pilipino ang nakaranas na walang makain ng isa o ilang beses nakaraang tatlong buwan.

Ito ay mas mataas na 10 porsyento o tinatayang 2.5 milyong Pilipino na nakaranas na walang makain sa survey noong Setyembre 2021 pero mas mababa sa 16.8 porsyento na naitala noong Mayo 2021 at 13.5 porsyento noong Hunyo 2021.

Ang average ng taunang hunger rate noong 2021 ay 13.1 porsyento, mas mababa sa 21.1% na naitala para sa taong 2020.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondent na edad 18 pataas gamit ang face-to-face interview.