Zubiri

Taas sahod sa mga manggagawa inaasahan ng mga senador

119 Views

UMAASA ang mga senador na pwedeng tumaas ang sahod ng maraming manggagawa matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pag aralan ng pamahalaan ang pagtaas ng minimum wage rates sa lahat ng rehiyon.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, maituturing na pinakamagandang regalo ang legislated minimum wage hike na maibibigay ng Pangulo sa nakakaraming Pinoy na manggagawa.

Umapela si Zubiri na-ikonsidera ang P100 daily minimum wage increase Act, na aprubado na ng Senado.

“I am one with our President in calling for the Regional Tripartite Wage and Productivity Boards to do a regular review of our minimum wages and for the National Wages and Productivity Commission to ensure that the boards do so,” ani Zubiri.

Para naman kay Senador Jose Jinggoy Estrada, isang welcome move ang panawagan ng Pangulo na pag-aralan ang bagay na ito ng mga kaukulan sangay ng pamahalaan.

“I strongly support taking a proactive approach towards ensuring fair compensation for our workers, especially in light of the rising cost of goods and basic necessities.

It is essential to make timely adjustments to the minimum wage to safeguard the economic well-being of our labor force and promote social justice.

As a labor advocate, I believe this is a crucial step in supporting our workforce and ensuring that they receive the compensation they deserve,” ani Estrada.

Napapanahon, ani Estrada, ang panawagan na ito ng pangulo. “Hindi ito magiging balakid kung sakali man na maging ganap na batas ang sinusulong natin na P100 daily minimum wage increase.

Sa huli, kung mapapagdesisyunan ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) na mayroong supervening condition para magpalabas ng panibagong wage order ang ilang rehiyon, malaking kaluwagan ito sa mga kababayan natin na pilit na ipinagkakasya ang kanilang buwanang kita sa lumalaking gastusin ng kanilang pamilya,” sabi ni Estrada.