Calendar

Taga-LP sumama sa 285 House members na suportado maging Speaker si Romualdez sa 20th Congress
SUMAMA ang karamihan sa mga nanalong miyembro ng Liberal Party (LP) sa lumalawak na supermajority coalition sa Kamara de Representantes na susuporta sa pagka-Speaker ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa 20th Congress.
Sa pagsama ng mga miyembro ng LP, mula 278 ay 285 na mga nanalong kongresista sa katatapos na eleksyon ang nagpahayag ng suporta kay Speaker Romualdez.
Ayon kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon, pinagtitibay ng pangyayaring ito ang lumalawak na pagkakaisa sa pagitan ng iba’t ibang partido na si Speaker Romualdez pa rin ang pinakamabisang, pinakamagkakaisang, at pinakakarapat-dapat na mamuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa nalalabing tatlong taon ng administrasyong Marcos.
“As of today, 285 House members have expressed support for Speaker Romualdez, with 278 lawmakers having already signed formal declarations—including four out of six members of the LP who are now part of the larger movement for legislative continuity and national stability,” ani Suarez.
“Speaker Romualdez has earned the trust of the current and incoming members of the House through principled, results-oriented leadership,” dagdag pa niya. “What we are witnessing is no longer just support from traditional allies—it’s a political groundswell cutting across the entire spectrum.”
“The Speaker is also heeding the President’s call for results-oriented leadership, as demonstrated by the House of Representatives’ swift approval of the majority of priority measures aligned with the Chief Executive’s legislative agenda,” dagdag ni Suarez.
Kasama sa supermajority bloc ng 20th Congress ang mga pangunahing partido tulad ng Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), at LP.
Para sa maraming mambabatas, ang desisyon ng karamihan sa mga miyembro ng LP na umanib kay Speaker Romualdez ay sumasalamin sa pagkilala sa kanyang kahusayan sa pamumuno at kakayahang magpatupad ng mga polisiya—mga katangiang mahalaga sa panahong ang mabisang paggawa ng batas at pagkakaisa ng institusyon ang dapat mangibabaw kaysa sa pagkakaibang pampulitika.
“Leadership in the House is about bringing people together to pass meaningful laws. Speaker Romualdez has done that, time and again,” ani Suarez. “The unity we now see among House members reflects a collective commitment to stability, progress, and responsible governance under his stewardship.”
Kamakailan, ipinahayag ni Suarez na tapos na umano ang speakership race ng ika-20 Kongreso, dahil nakuha na ni Speaker Romualdez ang malaking bilang na magpapanalo rito.
“This is already a supermajority,” giit ni Suarez. “Tapos na. The Speaker has the numbers.”
Pinasalamatan ng mga mambabatas ang pamumuno ni Speaker Romualdez sa ika-19 na Kongreso para sa maagap na pagpasa ng pambansang badyet, pagsusulong ng mahahalagang repormang pang-ekonomiya, at maayos na pakikipagtulungan ng Kamara sa ehekutibo—mga pangunahing dahilan kung bakit malawak ang suporta sa kanya.
“He has kept the House focused on outcomes that matter. That’s what institutions need—leaders who work quietly but deliver consistently,” pagtatapos ni Suarez.