Cuden P/Lt. Col. Titoy Jay Cuden

Tanauan, Calamba pulis napatay sa engkwento suspek sa pagpatay ng ex-parak

Gil Aman Oct 3, 2024
5 Views

NAPATAY ng mga pulis sa Tanauan City at Calamba City ang pinaghihinalaang pumatay sa isang retiradong pulis sa isang engkwentro noong Martes sa Brgy. Paciano Rizal, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni P/Lt. Col. Titoy Jay Cuden, hepe ng Calamba police, ang nasawing suspek na si alyas Rudy.

Nag-ugat ang engkwentro ng magsagawa ng follow up operation ang Tanauan City police hinggil sa natagpuang patay sa Brgy. Hanopol Oriental, Tanauan City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PEMS Arnel Tobes na itinapon sa damuhan at nakitang noong September 30.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang masabat ang suspek sa Brgy. Paciano Rizal.

Sa kabila ng pagpapakilala na sila’y mga pulis, agad na nagpaputok ang suspek sa mga pulis subalit walang tinamaan na agad gumanti hanggang sa mapatay ang suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang suspek na dinala sa JP Rizal Hospital kung saan siya namatay.