Munsayac

Tanggapan ng OVP lilipat sa Mandaluyong City

205 Views

KINUMPIRMA ng Office of the Vice President (OVP) na lilipat ang tanggapan nito sa Mandaluyong City.

“The new location will be able to accommodate all the co-term, casual, and permanent employees of the OVP. This will enhance efficiency, economy, and result in streamlined processes since all the OVP employees are within the same area,” ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte.

Ang bagong lokasyon ay magiging mas madali rin umanong puntahan ng publiko dahil malapit ito sa pangunahing lansangan at sa mass transportation facility.

Nagpasalamat naman ang OVP kay Quezon City Mayor Joy Belmonte at sa lokal na pamahalaan ng lungsod dahil sa pagpauyag nito na panasamantalang magamit ang Quezon City Reception House.

“Unfortunately, after inspection and human resource inventory, OVP has decided to look for another location that can fully satisfy its requirements,” sabi pa ni Munsayac.

Hindi pa isinasapubliko kung saan sa Mandaluyong City ang magiging tanggapan ng OVP.

Bukod sa pagiging Bise Presidente, si Duterte ay kalihim din ng Department of Education (DepEd). Mas malapit ang DepEd Central Office na nasa Pasig City sa Mandaluyong kaysa sa Quezon City.