Leni

Tangka ni Robredo na magdaos ng political activity sa paaralan sinita ng Aksyon Demoktratiko ni Isko

386 Views

SINITA ng partidong Aksyon Demoktratiko na pinamumunuan ni Manila Mayor Isko Moreno ang tangka ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magdaos ng isang political activity sa isang eskuwelahan sa Alcala, Cagayan.

Sumulat si Aksyon Demokratiko Chairman Ernesto Ramel Jr. kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones upang tanungin ang napabalitang tangka ng kampo ni Robredo na gamitin ang Baybayog National High School sa Alcala, Cagayan.

“I am writing to your good office to report a possible violation of government policy against using public schools, specifically elementary and high school students, for political activities of presidential candidates,” saad ng sulat ni Ramel kay Briones.

Kinuwestyon din ang parental consent form na pinapipirmahan sa mga magulang ng mga high school student na pinapasali sa aktibidad.

Kinansela ng kampo ni Robredo ang plano matapos na umami ito ng batikos sa social media.

“We have demanded an apology from the principal. The letters of parental consent have already been withdrawn. The policy is to treat all candidates equally. We are circulating again all our issuances on partisan politics,” saad pa sa sulat.