Calendar

Nation
Target collection nahigitan ng BOC
Paul M Gutierrez
Jun 2, 2022
340
Views
NAHIGITAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target nitong makolekta noong Mayo 2022.
Ayon sa BOC nakakolekta ito ng P68.245 bilyon o mahigit 20.8 porsyento ng target nitong P56.478 bilyong makolekta noong nakaraang buwan.
Sa paunang ulat mula sa BOC-Financial Service, 15 sa 17 collection district ang lumagpas sa target noong Mayo.
Mula Enero ay P322.472 bilyon na ang nakokolekta ng BOC. Ito ay 47.5 porsyento ng P679.226 bilyong target na makolekta ngayong 2022.
Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa
May 12, 2025
Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025