Calendar
Tela ng Pinas pauunlarin ng Natl Museum, Hinabi Project


SINABI ni Director General Jeremy Barns ng National Museum of the Philippines ang kanyang mga plano para palakasin ang kooperasyon sa mga museo sa Amerika at mga artist na Pilipino.
Sa pagbisita niya kamakailan sa San Francisco, California, sinabi ni Barns na nakikipagtulungan sa The Hinabi Project ang Pilipinas sa pagpapalaganap ng mga tela, pati ang iba pang mga proyekto upang makatulong na lumikha tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
Ang Hinabi Project ay isang organisasyon na nakabase sa San Francisco na nakatuon sa pagpapalaganap at pagsasagawa ng sining ng paghahabi ng mga Pilipino-Amerikano na gamit ang mga likas na hibla.
Nakipagpulong sa mga opisyal ng The Hinabi Project sina Director Marianne Ubalde ng National Museum of Anthropology at Danette Jennifer Megalbio, Senior Museum Researcher ng Ethnology Division ng National Museum of Anthropology, upang talakayin ang mga pinagmulan, ang mga bihasang mang-uukit at ang mga katangian ng mga inorder na tela ng Pilipinas.
