Calendar
Term extension ni Marbil ikinukunsidera ni PBBM
MALAKI ang tsansa na mapalawig pa ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil na nakatakda sanang nagretiro sa Pebrero.
Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos na maaring manatili sa puwesto si Marbil hanggang sa matapos ang eleksyon sa Mayo 2025.
Matibay kasi aniya ang argumento na alanganing magpalit ng pinuno ng PNP sa kalagitnaan ng panahon ng kampanya sa eleksyon.
“Well, there is a very strong argument that it would be, it would not be good for stability especially to change the chief PNP in the middle of a campaign period and approaching an election period,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So pinag-aaralan namin, but I think that is probably a very strong argument to keep him on. At the very least, until after the elections,” dagdag ni Pangulong Msrcos.
Magreretiro si Marbil sa Pebrero 7 pagsapit ng kanyang mandatory retirement age na 56.
Si Marbil ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.