TESDA

TESDA may alok na libreng language training course

313 Views

BINUKSAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang aplikasyon para sa alok nitong libreng language training courses.

Ayon sa TESDA, tumatanggap na ng aplikasyon para sa language programs ang National Language Skills Center na magsisimula sa Agosto 2023.

Kasama sa libreng language course ang Basic Korean Language and Culture (100 oras), Japanese Language and Culture (150 oras), Japanese Language and Culture – Level II (300 oras), Spanish Language for Different Vocations (100 oras), at English Proficiency for Customer Service Workers (100 oras).

Ang mga matatanggap sa programa ay papasok ng apat na oras mula Lunes hanggang Biyernes. Mayroong morning at afternoon session.

Ang aplikante ay dapat 18 taong gulang pataas at nagtapos ng high school.

Ang mga interesado ay maaaring magpa-rehistro sa [email protected].