Tiangco Navotas Rep. Toby Tiangco, Alyansa campaign manager

Tiangco sa Lakas-CMD, kay Speaker Romualdez: Salamat sa suporta sa Straight Alyansa

Mar Rodriguez Apr 23, 2025
20 Views
Martin
Speaker Ferdinand Martin Romualdez

NAGPAABOT ng pasasalamat si Alyansa para sa Bagong Pilipinas campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco sa buong suporta ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng lider nito na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa Alyansa senatorial slate, na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Tiangco, malaking tulong sa kampanya ng Alyansa ang malawakang suporta mula sa mga gobernador, kongresista at lokal na opisyal ng Lakas-CMD na siyang nagpapalakas sa tsansa ng ticket na makamit ang landslide victory sa darating na halalan.

“We are deeply grateful to Speaker Romualdez and the entire Lakas-CMD for their trust and commitment,” ani Tiangco.

“Their support gives our campaign the strength and organization needed to reach more voters across the country,” dagdag pa niya.

Sa isang pulong na ginanap sa Imelda Hall ng Aguado Residence sa loob mismo ng Malacañang noong Martes, nanawagan si Speaker Romualdez sa lahat ng miyembro ng Lakas-CMD na tiyakin ang solidong boto para sa mga kandidatong kabilang sa Alyansa slate. Tinawag niyang “trusted, proven, and handpicked by the President” ang mga kandidato ng grupo.

Giit ni Tiangco, iisa ang layunin ng mga kandidato sa Alyansa — ang itaguyod ang mga repormang isinusulong ng administrasyon ni Marcos.

“With Lakas-CMD’s help, we are confident that the people will elect leaders who will work with the administration to deliver real progress,” pahayag pa ni Tiangco.

Ang Alyansa ticket ay binubuo ng mga kilalang pangalan sa politika kabilang sina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Makati Mayor Abby Binay, Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Senadora Pia Cayetano, dating Senador Panfilo “Ping” Lacson, Senador Lito Lapid, dating Senador Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, dating DSWD Secretary at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, at House Deputy Speaker Camille Villar.