Tingog Ang TINGOG Partylist na pinangunahan nina Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre (inset), kasama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay isinulong ang isang landmark panukalang batas Martes para protektahan mga refugess at mga taong walang estado o kumikilalang bansa.

Tingog layong pangalagaan refugees, mga taong walang kumikilalang bansa

65 Views

AcidreISINULONG ng Tingog party-list sa pangunguna nina Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidee, kasama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang isang panukala na naglalayong pangalagaan ang mga refugee at mga taong walang estado o walang kumikilalang bansa.

Ang Comprehensive Refugees and Stateless Persons Protection Bill (House Bill No. 10799) ay nagpapakita ng dedikasyon ng Tingog na palawakin ang saklaw ng pagmamalasakit para sa bawat tao.

Layunin ng panukala ang bigyang karapatan at suporta ang naturang mga indibidwal upang matiyak na sila ay ligtas at may pantay na pagkakataon sa buhay.

“This bill is a testament of our unwavering dedication to upholding human dignity and ensuring no one is left behind,” ani Rep Acidre. “As the world celebrated World Humanitarian Day last August 19, we reaffirm our pledge to protect those who seek refuge.”

Ang House Bill No. 10799 ay nagtatakda ng isang patas at pantay na pamamaraan sa pag-aaplay ng proseso ng pagtukoy ng katayuan ng mga refugee at mga walang estado, na isasaalang-alang ang edad, kasarian, kapansanan, at pagkakaiba-iba, ayon sa itinatadhana ng Seksyon 3.

Binibigyang-diin ng panukalang batas ang kahalagahan ng hindi pagkakait ng katayuan bilang refugee o walang estado at ang karapatan sa pag-aaplay ng 1951 Refugee Convention at ang 1967 Protocol nito, pati na rin ang 1954 Statelessness Convention, anuman ang lahi, relihiyon, opinyong politikal, o bansang pinagmulan.

Binibigyang-diin ni Rep. Acidre ang mahabang kasaysayan ng Pilipinas sa pagtanggap ng mga refugee.

“Historically, the Philippines has always welcomed refugees, such as in 1923 when it welcomed 800 White Russians who fled the Soviet Revolution of 1917. Just recently, the Philippines and the United States inked a partnership allowing Afghans to transit in Manila while waiting for their Special Immigrant Visas to the States,” sabi pa nito.

Ang panukalang batas ay naglalayong magtatag ng Refugees and Stateless Persons Protection Office (RSPPO) sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) upang magpatupad ng mga polisiya at programa.

Ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo bilang isang ligtas na lugar para sa mga refugee, dahil isa ito sa mga nangungunang bansa sa rehiyon ng Asia-Pacific na lumagda sa 1951 Refugee Convention at sa 1967 Protocol.

Sa Southeast Asian region, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na lumagda sa 1954 Statelessness Convention at sa 1961 Convention on the Reduction of Statelessness. Pinagtibay din nito ang Global Compact of Refugees noong 2019 at naging bahagi sa Global Refugee Fora noong 2019 at 2023.

Sa pagtaya ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) umabot na sa 120 milyong tao ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga bansa ayon sa tala sa buwan Mayo 2024.