Acidre PROKLAMASYON NG TINGOG – Ang Tingog ay opisyal na idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nanalong party-list group sa katatapos na midterm elections, sa proclamation ceremony na ginanap ng Mayo 19 sa The Manila Hotel Tent City. Bilang isa sa mga nangunang party-list group at nakapagtala ng 1,822,708 boto, nakakuha ng tatlong puwesto ang Tingog sa Kamara de Representantes. Ang mga kinatawan nito ay sina Andrew Romualdez, Jude Acidre at Happy Calatrava. Photos: Dani Sagayap / Tingog Party-list

Tingog nakakuha ng 3 puwesto sa Kamara sa paparating na 20th Congress

21 Views

Acidre1Dinala karangalan ng Visayas sa pambansang entablado

NAKAKUHA ng tatlong puwesto ang Tingog Party-list sa Kamara de Representantes sa paparating na 20th Congress, isang mahalagang tagumpay upang maipagpatuloy nito ang pagbibigay ng serbisyo na nakasentro sa taumbayan at naka-ugat sa komunidad.

Nitong Mayo 19, opisyal na idineklara ng Commission on Elections (Comelec), bilang National Board of Canvassers, ang mga nanalong party-list groups sa katatapos na midterm elections.

Ang Tingog ang isa sa mga nangunang party-list group at nakakuha ng tatlong upuan sa 20th Congress matapos makapagtala ng 1,822,708 boto.

Ang mga kinatawan ng Tingog sa Kongreso ay sina Andrew Romualdez, Jude Acidre at Happy Calatrava. Kabilang din sa mga nominee ng partido sina Alexis Yu, Paul Richard Muncada, Yedda Romualdez, Aref Usman, Liza Barientos, Jaime Go at Glenn Jude Rufino.

Hango sa salitang Waray na nangangahulugang “boses,” itinatag ang Tingog sa Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda. Mula sa pagiging isang regional movement, lumago ito bilang pambansang plataporma para sa paggawa ng mga inklusibong batas, mabilis na maipaabot ang serbisyo publiko, at pamamahalang nakabatay sa komunidad.

“This renewed mandate is deeply humbling. It tells us that the people still believe in the kind of leadership we offer—one that listens, that serves, and that delivers,” sabi ni Rep. Jude Acidre, na muling magsisilbi para sa kanyang ikalawang termino.

“Tingog was born from the silence that followed Yolanda, at a time when our region felt forgotten. We made a commitment then: that Eastern Visayas would never again be without a voice. Today, we carry that voice not just for our own, but for every Filipino who longs to be heard. Sa dulo ng lahat, ang hinahanap pa rin ng tao ay isang pamahalaang tunay na nakikinig at tapat na nagsisilbi,” dagdag pa nito.

Hanggang ngayong buwan, may kabuuang 174 panukalang batas na akda ng Tingog ang naaprubahan ng Kamara de Representantes, kung saan 46 sa mga ito ang naging ganap na batas, gaya ng:

• RA 11703 – Samar Island Medical Center Act

• RA 11934 – SIM Card Registration Act

• RA 11960 – One Town, One Product (OTOP) Philippines Act

• RA 11976 – Ease of Paying Taxes Act

• RA 11984 – No Permit, No Exam Prohibition Act

• RA 12009 – New Government Procurement Act

• RA 12076 – Ligtas Pinoy Centers Act

• RA 12124 – Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act

Mayroon ding mahalagang papel na ginampanan ang Tingog sa pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers. Ang komite ni Acidre— ang House committee on overseas workers affairs, ang nagsulong ng naturang panukala.

Bukod sa paggawa ng batas, patuloy na inilalapit ng Tingog ang pamahalaan sa mamamayan sa pamamagitan ng 218 TINGOG Centers sa buong bansa.

Ang mga center na ito ay nagsisilbing tulay upang maipaabot sa mga komunidad—lalo na sa mga lugar na liblib at kulang ang natatanggap na serbisyo—ang mahahalagang programa ng pamahalaan tulad ng medikal na tulong, pinansyal na ayuda, at suportang pangkabuhayan.

“This isn’t just about holding public office—it’s about upholding a duty to ensure that no Filipino is left behind,” ani Andrew Romualdez, unang nominado at papasok na kinatawan.

“Through TINGOG, we strive to make public service tangible—something that reaches people where and when it matters most. At the heart of that is a government that listens with intent and serves with integrity,” dagdag pa ni Romualdez.

Para naman kay Happy Calatrava, na dating regional chair ng Tingog sa Visayas, ang tagumpay na ito ay parehong nakakapagpakumbaba at personal.

“This is an opportunity to give back to the communities that shaped us. From Leyte to Cebu, from Samar to the rest of the country—we carry the voice of the region and the hopes of the people we serve,” aniya.

Sa pagkakamit ng tatlong puwesto sa ika-20 Kongreso, sinisimulan ng Tingog ang isang bagong kabanata na nakaugat sa pinagmulan nito, ginagabayan ng adbokasiya, at determinado sa layuning mailapit ang pamahalaan sa mamamayan.