yedda Tingong Rep. Yedda K. Romualdez

TINGOG Party-list patuloy na inihahatid serbisyon ng gobyerno sa Mindanao

112 Views
Acidre
Tingong Rep. Jude A. Acidre

PATULOY na gumagawa ng hakbang ang TINGOG Party-list para maiparating sa mga Pilipino ang serbisyong hatid ng gobyerno.

Nagbukas ang TINGOG Party-list ng limang Tingog Center sa Bukidnon at Davao Oriental kamakailan.

Sa pagtutulungan nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingong Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ay nakapagbigay ng tulong sa may 5,000 pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Patuloy umano sa pagtupad ang TINGOG party-list sa misyon nito na pagserbisyuhan ang mga Pilipino.

Noong Hunyo 21 ay binuksan ang TINGOG Center sa Lantapan, Bukidnon at naserbisyuhan ang 902 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Dumalo sa event si Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith T. Flores at Mayor Ernie R. Devibar.

Ang TINGOG Center naman sa Alabel, Sarangani ay binuksan noong Hunyo 22.

Pinangunahan naman ni Acidre ang pagbubukas ng TINGOG Center sa Tarragona, Davao Oriental noong Hunyo 23. Kasabay nito ay 1,000 benepisyaryo ng AICS ang nabigyan ng tig-P3,000.

Dumalo sa event sina Davao Oriental 1st District Rep. Nelson Dayanghirang, Vice Governor Nelson “JR” Dayanghirang, Tingog Coordinator sa Tarragona Davao Oriental na si BM Art Benjie “Kaka” Bulaong, mga Board Member at papasok na Board Members, mga miyembro ng Municipal Sangguniang Bayan at mga Punong Barangay.

Sa kaparehong araw, inilungsad ang TINGOG Center sa Caraga, Davao Oriental kasabay ng pamimigay ng tig-P3,000 cash assistance sa may 1,000 benepisyaryo sa lugar.

Dumalo naman sa event sina Rep. Dayanghirang, Vice Governor Dayanghirang, Mayor Ronie Osnan at misis nitong si Joelita Osnan, Vice Mayor Melody Benitez, Tingog Coordinator ng Caraga-Davao Oriental na si Allen Ituralde, at iba pang lokal na opisyal.

Binuksan din ang TINGOG Center sa Boston, Davao Oriental sa kaparehong araw kung saan may 1,000 residente ang nabigyan ng tig-P3,000 ayuda mula sa AICS.

Dumalo sa event sina Mayor Rowell Rosit, Vice Mayor John Paul Lampig, Rep. Dayanghirang, Vice Governor Dayanghirang, Tingog Center Coordinator na si Henry Allan Pagaduan, at iba pang opisyal ng bayan.

Ang center ng TINGOG sa Cateel, Davao Oriental ay binuksan din kasabay ng pamimigay ng tig-P3,000 ayuda mula sa AICS sa 1,000 benepisyaryo. Dumalo sa event sina Rep. Dayanghirang, Vice Governor Dayanghirang, dating mayor Engr. Patrocenio Veroy, papasok na Vice Mayor Aristotle Abella, Philippine Councilors’ League president Joselito Villa Demosa, at iba pang lokal na opisyal.

Binigyan-diin ni Acidre ang kahalagahan at pagnanais nina Speaker Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipaabot ang tulong ng gobyerno sa mga nangangailangang Pilipino.

“Bringing essential services closer to the people is at the heart of our mission. By establishing these hubs, we are not only providing immediate assistance but also empowering communities with the resources they need to thrive. It’s about ensuring that every Filipino, no matter where they are, has access to the support and opportunities they deserve,” sabi ni Acidre.