Tolentino

Tolentino pormal na nagbitiw bilang chair ng blue ribbon committe, miyembro ng makapangyarihang CA

136 Views

PORMAL ng nagpahayag ng pagbibitiw sa makapangyarihang pwesto ng Senate blue ribbon committee at miyembro ng Bicameral Commission on Appointment si Senador Francis Tolentino kung saan ay kinumpirma niya epektibo mula effective December 31, 2023 ngunit pormal aniya isusumite niya sa Enero 22 ng susunod na taun (2024).

Niliwanag ni Tolentino na ang kanyang pagbibitiw bilang chairman ng blue ribbon ay bilang pagtupad niya sa napagkasunduan sa ilalim ng kasalukuyang liderato ng Senado na hanggang isa at kalahating taon lamang ang kanyang serbisyo sa mga naturang posisyon at pagkatapos ay papalitan naman siya ng kapwa senador na hindi naman niya tinukoy kung sino.

“In fulfillment of a sacred commitment to serve as Blue Ribbon Committee Chairman and member of the Commission on Appointments for a concise term of one and a half years, I find it both a duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement. This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made. Ang pagtupad sa kasunduan ay nakabatay sa aking malalim na paniniwala na ang pangako na maglingkod ng maikling panahon ay isang sagradong tungkulin sa paglilingkod sa bayan na dapat tuparin. It is my intention to honor an agreement,” ani Tolentino.

Sinabi rin ni Tolentino na maraming mahahalagang bagay na dapat din siyang tupdin kagaya na lamang aniya ng pagbibigay focus at atensyon sa Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones kung saan ay siya rin ang chairman dito.

Inilahad niya ang mga sumusunod na naisagawa ng blue ribbon sa ilalim ng kanyang pamumuno kagaya ng mga sumusunod: filing a bill to amend the procurement law (SB 2272), OSG’s participation in contract negotiations (SB 2273), a proposal to abolish Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Gayunman pa man, sa kabila ng pagbibitiw sa kanyang dalawang mahahalagan posisyon ay inilahad din niyang ang kanyang lubos pusong pagtulong sa kasalukuyan administrasyon at sa kasalukuyan liderato ng Senado upang mabigyan ng maayos at magandang serbisyo ang mamamayan Pilipino.

“Ipatupad ang dapat gawin. Kilalanin ang pangingibabaw ng Blue Ribbon,” he said.

Inihayag din niya ang posibleng aniyang kapalit niya ay malamang na isa rin abogado na kapwa senador ngunit hindi niya pinangalanan.

Ang mga abogadong senador sa senado ay ang dalawang magkapatid na na sina Senator Alan Peter Cayetano at Sen. Pilar Pia Cayetano, si Senator Francis Chiz Escudero, gayundin si Senator Juan Edgardo Angara at ang Minority Leader na si Senator Aquilino Pimentel III.

“Until they find my replacement, I will still be serving the position for the proper transition for both seats,” pagtitiyak ni Tolentino.