Chismis

Trulalu na sina Trudeau at Katy Perry

304 Views
Katty
Larawan: Katy Perry/IG

NAGULANTANG ang buong fandom ni Katy Perry matapos i-hard launch ng pop superstar ang kanyang bagong pag-ibig — walang iba kundi si former Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Sa Instagram post niyang may caption na “Tokyo times on tour and more,” todo-kilig ang naging reaksyon ng publiko nang makita ang selfie ng dalawa habang nag-eenjoy sa Japan.

Kasama ang naturang larawan sa photo dump ni Katy na kuha sa The Lifetimes Tour na ginanap noong Disyembre 3–4 sa Tokyo Garden Theater. Ang tour ay balik-eksena ni Katy sa global stage, tampok ang kanyang powerhouse vocals, iconic hits, at bagong visual era na pinagkaguluhan ng fans sa iba’t ibang bansa.

Pero higit sa lahat, ang Katy x Justin moment ang naging “pasabog” ng lahat. Hindi nagpahuli ang netizens sa pagkomento, litaw ang matinding tuwa at kilig sa bagong love story ng singer.

“TRUDADDY LAUNCH,” ang madiing sigaw ng isang fan na hindi makapaniwala. Sinundan pa ito ng, “Justin is the new MINISTER of her heart and we are SO HAPPY FOR THAT!” habang ang isa pa’y nagsabi ng, “You guys are the perfect couple.”