Nakaw

Tubero himas bakal sa 13 kaso ng pagnanakaw

Edd Reyes Nov 21, 2026
363 Views

TIMBOG ang 32-anyos na tubero na may kasong kriminal sa Mandaluyong City nang matunton ng pulisya sa tinutuluyang lugar Biyernes ng tanghali sa Caloocan City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas nito lang Nobyembre 13, 2026 ng Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 60 ng Mandalyong City, dinakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili si alyas “Bakaw” alas-12:35 ng tanghali dahil sa kasong 13-bilang na kasong theft o pagnanakaw.

Naglaan ang korte ng kabuuang P110,000 na piyansa para sa pagsamantalang paglaya ng akusado na nasa talaan ng Most Wanted Person ng pulisya sa Mandaluyong City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoesa Section ng Caloocan Police ang manhunt operation laban kay alyas Bakaw nang matanggap ang impormasyon sa kanyang kinaroroonan sa Barangay 176 Bagong Silang.