Tulfo

Tulfo naghain ng Resolusyon para rebyuhin ang minimum wage policies

207 Views

NAGHAIN si Senator Idol Raffy Tulfo ng resolusyon para i-rebyu ang kasalukuyang patakaran sa pagtaas ng minimum wage para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket.
Sa paghahain ng SR No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang taon dahil marami pa ding mga manggagawa ang nakakaranas ng problemang pinansyal.

“It is the responsibility of the state to ensure that the minimum wage is set at a level that provides workers with a decent standard of living, taking into account factors such as inflation rates,” saad niya.

“It is imperative to improve the standard of living and quality of life for workers, particularly those in the lower income bracket, and to ensure that the policies on the minimum wage increase are fair, effective, and consistent with the needs of the workers and the economy,” dagdag ng mambabatas.

Mapapansin na ang pinakahuling pagtaas ng minimum wage ay nagkabisa noong Hunyo 4, 2022, na nagre-range mula P533 hanggang P570 kada araw sa NCR. Samantala, ang pagtaas ng minimum wage sa labas ng Metro Manila ay nagkabisa sa pagitan ng Hunyo 6 hanggang Hunyo 30, 2022, na nagre-range mula P306 hanggang P470.

Sa kabila ng nasabing pagtaas, sinabi ni Tulfo na ang tumataas na inflation na may naiulat na rate na 8.7% noong Enero 2023 ay may malaking epekto sa pamumuhay ng mga mangagawa.