Tulfo

Tulfo: Ukay-ukay, gawin ng legal

267 Views

IMINUNGKAHI ni Senator Idol Raffy Tulfo na gawin ng legal at i-regulate ang “ukay-ukay” o mga imported na second-hand goods sa bansa.

Inihain ni Tulfo ang Senate Bill (SB) No. 1778 na nagpapawalang-bisa sa Republic Act (RA) No. 4635 na nagbabawal sa “ukay-ukay.”

Bagama’t itinuring na ilegal ang negosyong “ukay-ukay” alinsunod sa nabanggit na batas, laganap pa rin ang ganitong negosyo sa bansa dahil sa hindi epektibong pagpapatupad ng batas.

“The ‘ukay-ukay’ industry has evolved as part of the Filipino Culture. It goes without saying that the revenue-generating industry has generated jobs for our fellow Filipinos. However, it must be regulated by the proper government agencies to ensure its compliance with applicable laws,” nakasaad sa explanatory note ng panukalang batas.

“Pursuant to the proposed bill, the P18 billion industry will no longer be an underground enterprise since it will be duly registered and its revenues audited for accountability by the proper government agencies,” dagdag nito.

Matatandaan na bago mag-file ng SB NO. 1778, iminungkahi na ni Tulfo na dapat talaga ay gawing legal ang commercial importation ng “ukay-ukay” dahil napansin niya na hindi nakokontrol ng Bureau of Customs (BOC) ang pagdagsa nito sa bansa.

Ikinalungkot niya din na ang mga small-time sellers ay obligado na magbayad ng buwis habang ang mga importers ay hindi nagbabayad ng kanilang mga tungkulin sa BOC.

Dagdag ni Tulfo, dapat ding paimbestigahan ang Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Economic Zone Authority (EPZA) upang matiyak na ang “ukay-ukay” ay hindi maipupuslit bilang used rags na walang buwis.