Batangas

Umabot sa 26,162 bagong botante nagparehistro sa Batangas

72 Views

UMABOT sa 26,162 ang mga bagong botante na nagparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) sa Batangas City sa simula ng registration noong
February 12 hanggang September 30, 2024.

Kasama sa mga bagong botante ang mga may edad na 18-anyos pataas, mga nagpa transfer mula sa ibang barangay, munisipyo o syudad at mga nagpa-reactivate ng status at may ipinabago sa kanilang mga entries.

Wala ng extension ang registration, ayon sa Commission on Elections.

Magsasagawa ang Comelec ng sorting at cross checking bilang paghahanda sa book of voters na gagamitin sa May 2025 midterm elections.

Ayon kay City Election Officer Renato Sawali, naging mapayapa ang filing ng certificate of candidacy noong October 1-8.

Ang midterm national at local elections gaganapin sa Mayo 12, 2025.