Calendar
UniTeam senatorial bets ipinagtanggol si BBM
IPINAGTANGGOL ng mga senatorial candidate mula sa batikos si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Robin Padilla na kaliwa’t kanan ang batikos na inaabot ni Marcos pero ang masasabi umano nito ay “wala pong nararapat na maging pangulo ng Pilipinas kung hindi si Bongbong Marcos.”
Ayon naman kay dating Sen. Jinggoy Estrada niyuyurakan ng mga kalaban ang pagkatao ni Marcos.
“Ngunit habang hinihila nang hinihila nila pababa si Bongbong Marcos, unti-unti naman inaangat nang inaangat ng sambayanang Pilipino si Bongbong Marcos,” sabi ni Estrada.
Sinabi naman ni dating presidential spokesman Harry Roque na karamihan ng mga magbabato ng putik kay Marcos ay mga taga-Luzon at ang mga bumabato rito ay mga ganid sa kapangyarihan.
Si Marcos ay run-away winner na sa paparating na eleksyon kung ibabatay sa resulta ng mga isinagawang survey.