Calendar
Uniteam tiniyak: Wala nang red tape
TINIYAK ng UniTeam na isusulong nila ang pagsasaayos ng batas para mas mapadali ang pagnenegosyo sa Pilipinas bilang bahagi pa rin ng kanilang programa para muling buhayin ang ekonomiya at makalikha ng trabaho.
Ayon sa pinakahuling “World Bank-issued ’Doing Business’ report” noong 2020, nasa ika-95 ang Pilipinas sa buong mundo, o tumaas ng 29 baytang mula sa dating ika-124 na pwesto noong 2019. Ang Doing Business report ay nagsisilbing batayan ng mga foreign investor ukol sa global competitiveness ng isang bansa.
“Jumpstarting our economy would be a top priority for us, should we be given the mandate by the people in this year’s elections. It will not be easy since we will be entering a post-pandemic scenario where resources will be scarce,” ayon sa UniTeam.
“It only means that businesses will need to focus on being efficient. The government can help by instituting policies that will make it easier for them to do this,” dagdag pa ng UniTeam.
Ayon sa mga pag-aaral, bukod sa halaga ng pagnenegosyo sa bansa, pinagbabatayan din ng mga mamumuhunan kung mahirap o madali ang proseso ng pagnenegosyo sa isang bansa.
Kabilang din sa tinitingnan ang minimum wage, presyo sa kuryente, tubig, presyo ng lupa at ang bilang ng araw para mag-proseso ng kanilang mga negosyo
“The cost side of establishing a business will be dealt with through long-term solutions such as legislation and sustained infrastructure development. It will take some time, but we commit to implementing these key initiatives,” anang UniTeam.
“Simply put, the cost and ease of doing business will determine the speed by which new businesses are created. With this in mind, we need to foster the environment conducive for them to develop and thrive,” dagdag pa ng UniTeam.
Para masukat ang kakayahan ng bansa, gumagamit ang World Bank ng 10-point indicator na: “Starting a Business, Dealing with Construction Permits, Getting Electricity, Registering Property, Getting Credit, Protecting Minority Investors, Paying Taxes Trading Across Borders, Enforcing Contracts, and Resolving Insolvency.”
Ayon sa tambalan nila presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Inday Sara Duterte, ang pagpapaluwag sa proseso ng pagnenegosyo ay malaking tulong para sa hangarin nilang pagbangon muli ng bansa mula sa pandemya.
“It is not about chasing the numbers. We will pursue meaningful changes that will help the country become an attractive investment destination for foreign investors,” iginiit ng UniTeam.