US mananatiling katuwang ng Pilipinas—Ambassador Carlson

175 Views

MANANATILING “reliable partner” ng Pilipinas ang Amerika ayon sa ambassador nito na si MaryKay Carlson.

Sa kanyang pagpunta sa Malacañang ngayong Biyernes upang ipakita ang kanyang credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Carlson na mananatiling kasangga ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagtugon sa mga isyu ng kalakalan, malinis na enerhiya, yamang-dagat at climate crisis.

“As President Biden emphasized in his call with you on May 10, America’s commitment to the Philippines is deep and enduring—as friend, ally and partner,” sabi ni Carlson.

Sinabi ni Carlson na nais rin ng Amerika na makasama ang Pilipinas sa paglinang ng mga bagong kalakalan at pamumuhunan.

“As you act to ensure the security, prosperity, and freedoms of the Philippine people, we are here to help, and invested in your success,” dagdag pa ng opisyal.

Dumating si Carlson sa Pilipinas noong Huwebes ng gabi.