Calendar
US-PH joint patrol sa WPS malapit na—Amba Romualdez
MALAPIT na umanong magsimula ang pagsasagawa ng joint patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez patuloy ang pag-uusap kaugnay ng magkaagapay na pagpapatrolya sa WPS.
“I could guess, an estimate would be no later than the third quarter of this year. We should have that in place,” ani Romualdez sa panayam sa telebisyon.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President Joe Biden kung saan nagkasundo ang dalawa na lalo pang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Romualdez na naging malinaw ang mga panuntunan kaugnay ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.