Galvez

Vaccine czar Galvez nahawa ng COVID-19

209 Views

NAHAWA ng COVID-19 si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, siya ay nagpositibo sa COVID-19. Siya at ang kanyang pamilya ay kasalukuyang nasa isolation.

Nakararanas umano si Galvez ng mild symptoms.

Humingi si Galvez ng tawad sa mga tao na kanyang nakasalamuha sa nakalipas na lima hanggang pitong araw. Nanawagan din siya sa mga ito na magpa-test at obserbahan ang kanilang kalusugan.