Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Valeriano

Valeriano naninindigan dapat protektahan ng gobyerno PH teritoryo sa WPS

Mar Rodriguez Sep 28, 2023
182 Views

NANININDIGAN ang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na kailangan protektahan ng pamahalaan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng ginagawang panggigipit ng bansang China.

Ang pinaghuhugutan ng pahayag ni Valeriano ay kaugnay sa panibagong atake ng China sa Pilipinas matapos kastiguhin at batikusin ng tagapagsalita para sa Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin ang Pilipinas dahil sa panghihimasok umano nito (RP) sa pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na hindi dapat humingi pa ng paalam ang Pilipinas sa China gaya ng ipinupunto ni Wang Wenbin. Sapagkat ang WPS aniya ay pag-aari ng Pilipinas o ng mga Pilipino kaya hindi umano maaaring obligahin ng China ang RP na humingi sa kanila ng permiso.

Sinabi ng kongresista na dapat papurihan ang mga Pilipinong sundalo na nagsisikap protektahan ang teritoryo ng Pilipinas sa WPS sa gitna ng sunod-sunod at walang humpay na panggigipit sa kanila ng China.

“Matagal tagal pang patintero itong ating laban sa China. Pero sa kabila ng mga panggigipit ng mga Instsik sa ating mga Kasundaluhan. Dapat lamang na sila ay papurihan dahil sa kanilang pagsisikap na ma-protektahan ang ating teritoryo sa West Philippines Sea,” sabi ni Valeriano.

Ipinahayag din ni Valeriano na nararapat lamang na alisin sa mga ahensiya ng pamahalaan ang Confidential Intelligence Fund (CIF) na hindi naman national security ang kanilang pangunahing mandato at sa halip ay ilipat sa sangay ng gobyerno na nangangalaga sa seguridad ng bansa.

Ayon kay Valeriano, nagdesisyon na ang liderato ng Kamara de Representantes na ilipat ang CIF sa ilalim ng 2024 proposed national budget na nakalaan sa mga ahensiya ng gobyerno at departamento na wala naman kinalaman sa pagbibigay ng proteksiyon at seguridad ng Pilipinas.