Calendar
Valeriano: Patas, walang knilinganimbestigasyon ng Quad Committee
𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮-𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝘂𝘀𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗻𝗶𝗴𝗮𝗻.
Sabi ni Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, na hindi matatawag na “political persecution” o isang uri ng pang-uusig sa pamilya Duterte ang kasalukuyang pagsisiyasat ng Quad Committee kaugnay sa mga kaso ng illegal drugs, Extra-Judicial Killings (EJK) at illegal operation ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Paliwanag ni Valeriano na layunin ng naturang Komite na halukayin at busisiing mabuti ang pagkaka-ugnay ng mga nabanggit na isyu sa isa’t-isa. Kung saan, pinaniniwalaan na ang illegal na operasyon ng POGO ang pinagkukuhanan ng pondo o nagsisilbing “source of fund” para sa EJK o ang madugong war-on-drugs ng nakalipas na administrasyon.
Ayon sa kongresista, walang pamantayan umano ang pahayag ni Vice-President Inday Sara Duterte na may kinakatigan ang pagsisiyasat ng Quad Committee sapagkat tulad niya na isa rin Committee Chairman, ang pinaka-layunin aniya ng pagsisiyasat ay ang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng EJK, illegal operasyon ng POGO at kaso ng illegal drugs.
Dahil dito, pinayuhan din ni Valeriano si VP Sara Duterte na mas makabubuting paharapin na lamang nito sa pagdinig ng Komite ang kaniyang asawang si Atty. Manases “Mans” Reyes Carpio at kapatid na si Davao City Cong. Paolo “Pulong” Z. Duterte para maipaliwanag ang kanilang panig matapos silang madawit sa kaso ng drug importation sa bansabansa batay sa testimonya ni Jimmy Guban, dating intelligence officer ng Bureu of Customs (BOC).
Dinepensahan din ni Valeriano ang mga kapwa nito kongresista laban sa naging pahayag ng Pangalawang Pangulo na “political harassment” at “politically motivated” ang imbestigasyon ng Quad Committee.
Pagdidiin ni Valeriano na ang sinasaliksik ng pagsisiysat ay ang papanagutin ang mga responsable sa EJK, paglaganap ng illegal POGO operation sa bansa at paghahanap ng hustisya para sa mga inosenteng biktima o mga napatay sa war-on-drugs.
Nauna dito, pinuna ni Zambales 2nd Dist. Cong. Jefferson “Jay” Khonghun si VP Sara na makabubuting linisin na lamang nito ang pangalan ng kaniyang mister at kapatid sa pamamagitan ng paghikatay sa kanila na humarap sa imbestigasyon ng Quad Committee.
To God be the Glory