Vargas

Vargas nananawagan sa agarang pagpasa ng Department of Water Act

Mar Rodriguez Apr 3, 2024
123 Views

SA GITNA ng matinding init dulot ng “summer season” nananawagan si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas sa mga kasamahan nito sa Kamara de Representantes sa agarang pagpasa at pagsasabatas ng Department of Water Act.

Ang nasabing panukala ay naglalayong magkaroon ng ligtas, abot-kaya at maasahang water supply para sa mga Pilipino. Ito itinuturing ni Vargas na “basic human right”.

Ayon kay Vargas, sa kasalukuyan ay maraming mga Pilipino ang walang sapat na supply ng tubig sa kani-kanilang lugar. Kung kaya’t karamihan din sa kanila ang nagtitiyagang magbuhat ng mabigat na balde para lamang umigib ng tubig sa kanilang tahanan o kaya ay magbayad para sa water supply.

“A huge proportion of Filipinos to this day, do not have flowing water into their homes. They either need to carry buckets of water to their residence or pay a significant chunk of their hard-earned money to afford clean, drinkable water. Ito ay isang parusa para sa ating mga kababayan,” sabi ni Vargas.

Dahil dito, ipinaliwanag pa ni Vargas na isinulong nito ang House Bill No. 2523 sa Kamara de Representantes o ang Department of Water Act nak ilala din bilang Irrigation, Sewerage and Sanitation Resources Management Act na inaprubahan na sa House Committee on Government Reorganization.